Fifteen

16.4K 446 7
                                    


NAGISING siyang parang binibiyak ang ulo niya sa sakit. Pero hindi lang pala ulo niya ang masakit maging ang batok niya masakit din. Gusto sana niyang himasin ang ulo niyang masakit ng hindi niya maigalaw ang mga kamay niya.

Nang imulat niya ang mata niya doon lang niya nakitang nakatali pala siya, kamay at paa.

Nararamdaman na din niya ang sakit ng buo niyang katawan. Pero hindi niya pinansin ang mga nararamdaman niya ngayon. Naalala niya kasi bigla ang mag-ina niya, napapamura nalang siya sa pag-aalala niya sa mag-ina niya na hindi na niya alam kung nasaan na ngayon.

"Smith"

Napaangat nalang ang mata niya sa narinig niyang nagsalita. Hindi niya na napansin ang pagpasuk ng isang tao sa kung nasaan man siya ngayon.

Nang makita kung sino ang tumawag sa kanya.

"Toby?"hindi makapaniwalang tawag niya sa taong may hawak sa kanya.

Nagkatitigan silang dalawa ng ilang segundo bago siya unti-unting natawa ng pagak habang nakatitig dito.

"All along ikaw lang pala ang nagpapahirap sa buhay ko"aniya habang natatawa pa din.

Hindi naman ito natinag sa pagiging seryoso nito na nakatitig sa kanya. makalipas ang ilang sandali na pagtawa niya nagseryoso na din siyang nakatitig dito.

"Ano bang nagawa ko sayo at ginagawa mo ito sakin? Seriously I've been a good business partner to you, at wala akong natatandaan na transaction na pumalya ako"aniya.

Ito naman ang tumawa ng pagak habang papalapit sa kanya.

Napangisi naman siya ng makita niya ng lumakad ito palapit sa kanya may mga kasama itong mga tauhan.

Isa itong mafia boss na nakatransact niya hindi lang minsan, madalas niya itong makatransact noong mga panahon na feel niyang magrebelde sa buhay niya. naging kaibigan din naman niya ito kahit papaano, madalas kasi niya itong makausap. Madalas din ang transaction nilang dalawa, hindi naman puro baril ang kinukuha nito madalas mga upgraded na mga item lang ang kinukuha nito para daw sa mga tauhan nito.

Kaya wala naman siyang makitang dahilan kung bakit nito gustong makitang patay siya. Samantalang maayos naman silang naghiwalay ng landas noong huling transaction nila at nagsabi siyang hindi na siya gagawa ng mga bagay na labag sa batas.

Lalo pa noong nalaman niyang isang sundalo si Trinity.

"You've been a very good business partner to me, yes. Na sa sobrang galing mong makipagnegosyo pati asawa ko ninegosyo mo na"anito na nagdidilim ang mata habang nakatitig sa kanya.

Napakunot naman ang noo niya sa sinabi nito sa kanya. wala siyang matandaan na may asawa na ito. ang pagkakatanda niya binata pa ito, ang balita pa nga sa isang business magazine isa ito sa mga kilalang bachelor sa bansa.

Dahil tulad niya, ang pagkakakilala nito sa kanilang bansa ay isang batang-batang milyonaryo. Na katulad lang din ng ibang mga nasa underground world na may secret identity.

"What are you saying?"natatawa niyang sagot sa kaharap.

Napaigik siya ng bigwasan siya nito ng paulit-ulit sa kanyang sikmura. Napadura pa siya ng dugo sa sobrang diin ng bawat suntok nito sa kanya.

"Fvck!"mura niya ng tigilan siya nito.

Sinabunutan siya nito at pilit na itiningala para magkasalubong ang kanilang mga mata.

"You ruined my life you dickhead"anito sa nanggagalaiting sigaw bago siya muling pinagsusuntok.

Hindi naman niya maintindihan ang gusto nitong iparating sa kanya.

GENTLEMAN'S QUEEN #4: TRINITYWhere stories live. Discover now