Four

18.2K 479 10
                                    

"TANGINA naman Leigh, trabaho pa ba ito?"reklamo ni Tres sa kanya.

Napataas naman ang kilay niya ng lingunin niya ito, nasa mababang bahagi pa ito ng inaakyat nilang bundok.

"Ayaw mo na ba?"nananantyang tanong niya dito.

"Ni hindi man lang ba tayo magpapahinga? Pagud na ako"reklamo nito.

"Ang tanong ko ayaw mo na ba?"ulit niya sa naunang niyang tanong dito.

Bigla naman itong sumigla at mabibilis ang mga hakbang na lumapit sa kanya.

"Kabagal mo Leigh. Bilisan mo nga, baka abutin tayo ng gabi di pa tayo nakakarating sa camp site"kunwaring nagmamadali nitong sagot sa kanya.

Napangisi naman siya sa paraan ng pagsagot nito sa kanya. ilang beses na kasi itong nagreklamo sa kanya simula ng tinanggap niya ito bilang assistant nya. Palagi naman niyang sinasabi dito na okay naman na magquit ito sa trabaho sa kanya. hindi niya ito pinipigilan. Ito lang ang makulit na ayaw umalis sa tabi niya.

Buddy na daw kasi silang dalawa. sa halos dalawang buwan nitong pagsama-sama sa kanya. naging close naman silang dalawa nito. nakukuha na niya ang ugali nito.

"Hoy, gurang ano na kabagal!"tawag pa nito sa kanya.

Nasasanay na din siyang tawagin nitong gurang, well may ipinaglalaban naman ito. 24 pa lang pala ang isang ito samantalang siya 31 na.

"Nasasanay ka ng tawagin akong gurang, hahalikan na talaga kita sa susunod na sabihin mo iyan sakin"banta naman niya.

Inirapan lang siya nito at nagpatuloy na sila sa pag-akyat. Hindi naman nagtagal narating na din nila ang camp site kung saan sila pwedeng magpalipas ng gabi.

"Ikaw na magtayo ng tent"utos nito sa kanya.

Nakapameywang na nakataas ang mga kilay niyang tinignan ang kasama niyang prente ng nakaupo sa isang tipak ng bato.

"Sino ba ang boss dito?"tanong niya dito.

Nakita niyang nagmake face ito bago ito nagdadabog na tumayo at kinuha ang tent nila.

"Sabi ko ng itatayo ko na ang tent"sabi pa nito.

"May nakita akong ilog sa banda doon, maliligo lang ako. Pagbalik ko ikaw naman"paalam niya dito.

Hindi naman siya nagtagal sa paliligo dahil padilim na din, hindi lang siya sanay na hindi naglilinis ng katawan kapag bago matulog. Habang palapit siya sa camp site napapaisip siya kung bakit sobra kung makadikit sa kanya si Tres. Hindi naman sa nag-iisip siya ng masama dito nahihiwagaan lang siya masyado.

Napakunot ang noo niya ng makita kung paano kumilos ito. matagal na niyang inoobserbahan ito. kaya nga siya nahihilig sa mga ganitong activity ngayon dahil napansin niyang malakas ang resistensya ni Tres.

Wala pa silang pahinga na dalawa noong nagsimula sa mga activity niya, ilang trekking na sila, ilang bundok na din ang naakyat nila. Ilang milya na din ang nabike nilang magkasama. Maririnig niyang magrereklamo ito pero kung oobserbahan naman ito mukha namang nag-eenjoy ito sa ginagawa nila.

Tulad ngayon, madaming bagay siyang naobserbahan dito lalo na kapag nasa bundok silang dalawa. Parang ang dami kasi nitong alam na survival skills sa bundok na sundalo lang minsan ang alam niyang may ganoong skills.

"Oh Leigh, dyan ka na pala"pansin nito sa kanya.

Nakapagpaapoy na ito ngayon ng bonfire nila, ang malupit pa napansin niya kanina na wala namang ginamit na lighter o posporo ito habang nagpapaapoy.

GENTLEMAN'S QUEEN #4: TRINITYحيث تعيش القصص. اكتشف الآن