Chapter 2

241K 12.5K 4.7K
                                    

Chapter 2


Nagising ako sa tapik ni ina sa aking pisngi.

"Kalla, anak. Gumising ka na dyan, ano ba ang nangyari sa'yo?" kinusot ko ang aking mga mata at nagsimula akong bumangon.

"Ina?" nagtataka akong lumingon sa paligid ko.

Ang huli kong natatandaan ay sinasabunutan ako pa ni Prinsesa Theresa.

"Ano po ang nangyari sa akin ina? Bakit ako natutulog?"

"Hindi ko alam sa'yo anak, nagulat na lang rin ako at inihatid ka mismo ng ating panauhin sa kusina dahil nakita ka daw nitong natutulog sa may bintana. Hindi ba maganda ang pakiramdam mo anak?"

Ako? Natulog sa may bintana? Sumobra ba ang pagkakasabunot sa akin ng prinsesa kaya nawalan ako ng malay? Ang panauhin naming mismo ang nagbuhat sa akin?

Nakakahiya naman.

"Hindi po ina, maayos po ang pakiramdam ko. Siguro ay kulang lang ako sa tulog. Magpapasalamat na lang po ako sa ating panauhin." Tumango ito sa akin.

"Madali at dalhin mo na ito sa hapagkainan nang makabalik ka na sa ating silid. Matulog ka muna anak, ipagpaliban mo muna ang pagbabasa ng mga aklat. Halos sa aklatan ka na tumira, kailangan mo rin ng pahinga."

"Sige po ina." Inabot ko na sa kanya ang maliit na basket dala ang ubas.

Isang mahabang lamesa ang sumalubong sa akin. Nandito ang si Haring Aragon at Reyna Meiya , maging ang hindi pamilyar naming mga panauhin.

Yumuko ako nang maagaw ang kanilang pansin dahil sa pagdating ko. Ngumiti sa akin ang mga hari at reyna, umasim ang mukha ni Prinsesa Theresa habang nakakunot ang noo sa akin ng batang lalaki, kung hindi ako nagkakamali ay isa itong prinsipe.

Bumalik sila sa tawanan. Magkatabi ang si Prinsesa Theresa at ang prinsipe.

"Paano mo nalaman ama na kasama niyo ako?" He looked annoyed.

Nagsimula na akong lumapit sa lamesa.

"Ofcourse, you are my silliest son. Malalaman ko lahat ng kalokohan mo." Pinisil nito ang ilong ng kanyang anak na lalong nairita.

Nagtawanang muli ang mga hari at reyna. Kahit ako ay tipid na ngumiti. He's a spoiled brat.

"You! Bakit mo ako tinatawanan?" ilang beses akong nagpalingon-lingon.

"Ako?" tumaas ang kilay ng prinsipe sa akin.

"Who else?" He exaggeratedly rolled his eyes on me. Seriously? Is he gay?!

I heard the other Queen's laugh.

"Look, Thaddeus. Talagang ginagaya ng anak mo ang pag-irap ni Dastan. You can't copy his gesture, that your brother's signature."

"Mother! I am not copying his gesture, si Dastan lang ang pwedeng umirap? I am annoyed with her." Lumingon na sa akin ang reyna.

"She's a cute little girl. Who is she?" tanong nito.

"Kallaine, come here hija. She's our daughter's friend." Pagpapakilala sa akin ni Haring Aragon.

"Yeah, she's my friend." Mabilis na sagot ni Prinsesa Theresa. Ngumiti ito nang napakatamis sa aming lahat.

Bagay na ngayon ko lang nasaksihan. We're friends now? Siguro ay nagsisisi na siya sa ginawa niyang pagsabunot sa akin.

Ipinatong ko na sa lamesa ang basket na may ubas. Matamis rin akong ngumiti kay Prinsesa Theresa, masaya ako at tinawag niya na akong kaibigan.

The White Curse (Gazellian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon