Chapter 38

169K 9.4K 814
                                    

Chapter 38


"And my mother is still alive." Paulit-ulit itong umalingawngaw sa aking isipan.

At habang tumatagal parang tila mas lumalakas ang kanyang boses sa aking utak na mas lalong nagdala sa akin ng matinding kilabot.

"Totoo," nabulong ko sa aking sarili. Habang marahang hinahaplos ang aking mga braso na may naninindig na balahibo.

Totoo lahat ng kalupitang nabasa ko, ang bersyon ng mga lobo ang siyang higit na dapat paniwalaan ng lahat.

The werewolves managed to keep the real history reachable.

Kaya pala hindi man lang nakaroon ng kahit kaunting butas ang kwento mula sa libro.

Nagsimulang magpatakan ang mga perlas mula sa aking mga mata habang inaalala ang bawat katagang aking nabasa mula sa aklat.

Anong klaseng kalupitan ang iginawad nila sa dyosang umibig lamang?

Ngunit bakit wala pa rin akong nababasang bersyon ng mga bampira? Should I trust Cora? Should I trust anyone from these never ending mysteries?

"H-How did this happen? You knew it from the very beginning?" nagtatanong ang aking mga mata sa hari at reyna na kapwa umiling sa akin.

"We're also surprised Kalla, ngayon lamang sinabi sa amin ni Cora ang lahat." Kahit si Haring Tiffon ay halatang hindi mapalagay sa mga nangyayari.

"Why didn't you tell me sooner? Hindi mo ba alam na ang 'yong ina ang matindi kong kailangan? I need her for this damn curse! Kung sa kanya nga nanggaling ang sumpang ito, bakit kailangang ako ang magdusa?!" My tears just fell.

Hindi nakasagot sa akin si Cora at ibinaba niya ang kanyang mga mata sa sahig.

"And you? What about you Finn? You hid this from me? Alam mong buhay ang dyosa na kailangan ko! Matagal mo nang alam ito Finn? Why did you hide it? Buong akala ko ay gusto mong malunasan ang sumpa kong ito. Why? Why?!"

Gulong-gulo na ako, hindi ko na alam kung sino pa ang dapat kong paniwalaan.

Buong akala ko ay lahat sila ay nais akong tulungan, ngunit bakit itinatago nila sa akin ang kaisa-isahang paraan para malunasan ako? Wala na akong naiintindihan sa mga nangyayari.

"K-Kalla, let me explain—" I stopped him in his mid-sentence.

"I gave you time to explain! Tanong ako nang tanong sa'yo noon! But you've been lying and telling me nothing! You even want us to leave? Why? Why Finn?!"

Nanghihina akong humakbang patungo sa kanya at ilang beses kong hinampas ang kanyang dibdib.

"Ikaw, sa lahat ng bampira sa mundong ito ang inaasahan kong tutulungan ako. Ikaw Finn, pero parang may mga bagay ka na hindi mo gustong ibahagi sa akin. We're mates Finn, tiwala sa isa't-isa ang kailangan natin." Mas lalo kong narinig ang sunod-sunod na pagpatak ng aking mga perlas.

"But it's always hard for you to trust me. Ilang beses mo nang ipinadama sa akin na hindi mo ako kayang pagkatiwalaan Finn. The incident in Parsua, kahit ilang beses takpan ng masasaya nating pagsasama Finn ang unang beses mong pagdududa sa akin, hinding hindi pa rin nawawala ang sakit. You refused to look at me, kaya ngayon ito ako at hindi mo na magawang titigan. Now this?! I knew you had your deeper reason, at hindi mo sinasabi sa akin. W-Why? Why can't you trust me? Dahil may sumpa ako? Dahil mababang-uri lamang akong bampira? Walang pangalan? Alipin? Walang patak ng dugong maharlika?! Nasasaktan na ako, nasasaktan na ako. D-Do you love me enough Finn?" umawang ang bibig nito sa huli kong mga salita.

The White Curse (Gazellian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon