Chapter 22

208K 10.2K 895
                                    


Chapter 22


Hindi ko na ginawang salungatin ang totoong kagustuhan ko. I didn't push Finn away from me, sinubukan kong yakapin ang pagiging makasarili. 

I will let him stay inside this tower with the idea that he's really mine. Hahayaan ko na ang sarili kong sumaya sa kabila ng kaalamang wala akong panghahawakan sa kasiyahang mayroon ako ngayon. 

Natatakot ako na baka magising na lamang ako sa isang araw na wala na siya sa tabi ko at mamulat siya sa katotohanang hindi siya kailanman sasaya sa lugar na walang kalayaan.

There are always consequences for the word selfishness and I am willing to accept all of that just to let myself feel the happiness with him for a while.

"You may open your eyes, Mon Amour." He whispered.

I was hesitant, natatakot akong sa sandaling imulat ko ang aking mga mata ay salubungin nito ang kanyang mga mata.

I can't let my curse turn him into stone. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa sandaling may mabiktima na naman ang aking makasalanang mata.

"I can't, Finn. I can't, j-just let my eyes closed. This is the best thing that I can do."

He told me that he'll give me a surprise. Matapos kong maghanap ng pagkain sa labas ay inaasahan ko nang hihingi siya sa akin ng dugo, ngunit hindi ko akalaing ngayon na pala ang kanyang surpresa.

"Trust me, Kalla." Marahang sabi nito.

Habang nakapikit ang aking mga mata ay nagsisimula na akong makarinig ng iba't-ibang klase ng ingay. Mula sa mga yabag ng mga sapatos, ingay mula sa mga kubyertos at isang malambing na musika na minsan ko nang narinig sa mga pagdiriwang sa palasyo.

Napakaraming taon na rin ang lumipas simula nang makarinig ako ng mga kakaibang ingay. Saan nanggagaling ang mga ito?

Anong uri ng salamangka ang ginagawa ni Finn?

"Mon Amour, trust me. Imulat mo ang 'yong mga mata." 

Huminga ako nang malalim at unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. My gaze went straight into his beautiful eyes.

"W-Where are we?" nangangatal na tanong ko sa kanya.

He's dressed differently just  like a vampire prince attending in a royal party. Anong nangyayari?

Umalis ang mga mata ko at inilibot ko ang buong paligid. Wala kami sa loob ng tore kundi nasa isang bulwagan ng isang partikular na palasyo.

Isang bulwagan sa gitna ng isang pagdiriwang. Hindi lamang kami ni Finn ang mga bampira, napakarami ng mga ito na abala sa kani-kanilang mga ginagawa.

There are full of lights coming from diamond crystals, evening gowns from different vampires, foods from long golden tables, goblets full of blood and royal orchestras harmonizing the whole place.

Napatungo ako sa aking sarili at halos mapatalon ako nang makitang nakasuot ako ng hindi pangkaraniwang kasuotan na para lamang sa isang ganap na maharlika.

Agad akong naghanap ng pinakamalapit na salamin hanggang sa makakita ako ng bintana.

I ignored Finn and I ran fast from one of the large windows. I gasped from astonishment as I fully viewed my new appearance. My long white hair is already black and I can't even recognize myself.

Natutuwa akong umikot sa harap ng bintana na hindi alintana ang napakaraming bampira na maaaring makakita sa ginagawa ko.

I am wearing a navy blue silky dress with thin straps, showing a large part of my skin from my back. I must be dreaming, isang napaka gandang panaginip malayo sa toreng nagkukulong sa akin.

The White Curse (Gazellian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon