Chapter 9

198K 10.2K 2K
                                    

Chapter 9


Umihip ang malamig na hangin, nilipad ang mga dahon kasabay ng aking mahabang buhok.

Nag-alab ang kanyang mga mata sa akin kasabay ng pagbilis ng tibok ng aking puso. Nag-init ang aking lalamunan, nangatal ang aking mga tuhod at nagtago ang aking mga salita.

"Paliligayahin mo ba ang isang hamak na prinsipeng katulad ko?" bulong nito sa akin.

Lumapat ang noo nito sa akin habang patuloy sa pagwawala ang buong damdamin ko. I can feel the sadness in his voice, the longing with his touch and his eyes asking for nourishment.

I want to help him, I want to do everything for him to feel at ease and I want him to be happy.

"Gagawin ko ang lahat ng nais mo, mahal na prinsipe. Malugod kitang paliligayahin." Ngumiti ang prinsipe sa sinabi ko.

Tumayo na ito at inalalayan niya ako. Tinanaw nito ang palayso kung saan napakarami pa rin mga bampira.

"Saan tayo dadaan?" tanong nito sa kanyang sarili.

Lahat ng direksyon ng palasyo ay may mga bampira.

"Nevermind," hinawakan nito ang kamay ko at magbilis ang lakad namin patungong palasyo.

Napili niyang dumaan sa gitnang pintuan, agad tumama sa aking paningin si Rosh na nakikipagtawanan na sa dalawang babae habang may hawak na kopita. Saglit lamang naglandas ang mga mata nito sa amin ni Finn bago ito bumalik sa pakikipagbulungan sa mga babae.

Saglit na tumigil si Finn nang mapansin niya rin si Rosh.

"This fuck," hahakbang na sana ito patungo sa prinsipe nang pigilan ko siya.

"Finn, no..hindi nyo na kailangang magtalo ni Rosh. A-And I thought you want to be happy?" napatungo ako sa tanong ko sa kanya.

"Yes.." humigpit muli ang hawak sa akin ni Finn at sinimulan na naming maglakad sa dagat ng mga bampira.

"My room is too far, damn it." Iritadong sabi nito habang naglalakad kami.

Narinig ko ang bulong nitong pagmumura nang may humarang sa aming babaeng bampira. Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang umawit kanina.

"Buong akala ko ay hindi ka na magtutungo dito sa loob Finn."

"I'm in a hurry Harper, mamaya na tayo mag-usap."

"W-What?" sumilip sa akin ang babaeng bampira.

"Finn! Hanggang sa burol ba naman ni ama? Can't you tame your fangs for a while? You should mourn not suck blood of a woman." Tumalim ang mata sa akin ng babae.

"You should understand that it is our father's burial and you're tolerating this horny act of my brother."

"Horny act? Harper! She is my mate." Madiing sabi ni Finn. Sinuklay nito ang kanyang buhok na halatang iritang-irita na.

"Your mate? Biglaan?"

"Dumating siya para paligayahin ako." Umawang ang bibig ng prinsesa sa sinabi ni Finn.

"Paligayahin? Seriously Finn?! Isusumbong kita kay Dastan!" umalis sa harapan namin ang prinsesa.

"Don't mind her, let's go." Muli ako nitong hinila at nagsimula kaming maglakad.

Am I tolerating him? Pumayag lang naman ako dahil sinabi nitong nalulungkot siya. That is what are mates for, we should make each other happy. Isa pa ramdam ko ang paghihirap ni Finn. Nanlalamig na ang mga kamay nito.

The White Curse (Gazellian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon