Chapter 12

190K 10.5K 2.6K
                                    

Chapter 12


Nang marinig ko ang kanyang mga sinabi ay ilang segundo akong napatitig sa prinsipe.

"Ngunit hindi ako dugong maharlika, pagsisidlan lamang ito nang gulo sa'yong sariling imperyo."

Ngayon ko lang napagtanto na hindi talaga maaari ang isang katulad kong alipin sa isang dugong bughaw. Dahil sa tuwing magkakaroon ng mga konprontasyon sa pagitan ko at sa sinumang nasa imperyo na mas mataas na posisyon, kahit kailan ay hindi ako mananalo, kahit kailan ay hindi ako paniniwalaan.

Dapat matagal ko nang tinanggap na walang karapatan ang mga boses ng mga aliping katulad ko sa mundong tumatakbo sa bisa ng mga makakapangyarihan.

"Le'Vamuievos can adopt you! Vampire world has a legal process. Walang kahit sinong makakakanti sa'yo sa sandaling naging Le'Vamuievos ka. You don't need to be a royal blood at mas gugustuhin ko pang makasama ka na hindi dugong bughaw kaysa sa mga maharlikang nandito sa inyong imperyo na pawang mga basura." Seryosong sabi nito.

Gusto kong itanong sa kanya kung bakit umabot siya sa puntong ganito. Wala akong natatandaang bagay na ginawa ko para sa kanya para lamang gawin niya ang lahat ng pagtulong na ito sa akin.

Minsang naligaw lamang ako sa kanyang imperyo. I even insulted him.

"Madadamay ka lamang sa lahat ng paratang nila sa akin mahal na prinsipe. Maapektuhan ang posisyon mo sa inyong sariling imperyo. I can't you ruin with my mess up life." Bahagya pang pumiyok ang boses ko nang maalala ko kung papaano walang habas na isinali ni Prinsesa Theresa ang pangalan ni Rosh para lamang tuluyan akong siraan.

Nagsisimula na itong madamay nang hindi nito namamalayan nang dahil lamang sa akin.

"Hawak ko ang aking sariling imperyo Kalla, higit akong makapangyarihan sa aking nasasakupan. I don't give a damn with their words. Matagal na akong sanay sa mga ibinabato nila sa akin, Wala silang magagawa sa desisyon ko. Kailangan na nating magmadali, hindi ko nanaising magasgasan ang aking kutis sa panibagong labanan."

Sumulyap ito sa malaking malaman niya na tumigil na sa paggalaw, mukhang tuluyan nang namatay ang mga bampirang muntik nang bumaboy sa akin.

"Shall we? Aalayan kita, can you walk?" hindi man lang ako kumilos sa sinabi niya.

Sinong hindi gustong pumayag sa alok ng isang prinsipeng katulad niya? Kahit sinong alipin kagaya ko ay malugod tatanggapin ito, pero dapat ba akong tumakbo sa kasalanang hindi ko ginawa?

"Mahal na prinsipe, running means you are guilty. Hindi ko kayang tumakbo at sumama sa'yo." Mahinang sabi ko.

"You are not guilty! Kahit anong paliwanag ang sabihin mo sa kanila hindi ka nila pakikinggan. They have already closed their minds with the fact that you're the dirty woman! I never liked Lodoss, lalo na ang kanilang prinsesa. Mga inutil."

"H-How did you know?"

"Nature is my messenger, Kalla. I even trusted them more than vampires. Ayoko nang makipag-usap pa. I'll bring you inside my own empire whether you like it or not." Binuhat na ako nito.

"B-But Prince Rosh, my m-mother. I can't leave her here, alam kong siya ang pagbubuntunan nila ng galit." Ayokong umalis dito na hindi kasama ang aking ina.

"Oh, I never think about that. Where is your mother? I should hide you somewhere then. Kukuhanin ko muna ang 'yong ina."

Lumabas na kami sa aking kulungan. Pansin ko na may ilang paru-paro kaming sinusundan.

The White Curse (Gazellian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon