Chapter 50

210K 11.7K 3.5K
                                    

Chapter 50


After one year..

A year has passed and until now I haven't found out the answer for the curse. Until now I haven't found out why Finn chose to meet my eyes. Why my mate chose to be a stone? Why?

There was nothing happened, the curse didn't left me that day. The color of my hair, the glow of my eyes, the pearls and my never ending devil power remained inside my system.

Walang nagbago, walang kakaibang nangyari.

The White Curse is still existing and enslaving me.

Kapangyarihan ng sumpang itong kailanman ay hindi ko inisip na maigagawad ko sa lalaking pinakamamahal ko.

He told me that I am the answer for this never ending mystery. But how come that the woman from the university gave me the different information?

Hanggang ngayon ba ay kailangan ko pa rin magtanong kung sino ang dapat kong paniwalaan?

Until now I have numbers of unanswered questions.

Mga katanungan na isang taon ko nang iniisip.

We're all expecting that Divine, the little princess might have the ability to remove the curse. Pero tanging pag-iling lang ang ginawa sa amin ng bata sa loob ng isang taon.

She remained silent.

Katulad ko at ng mga Gazellian, hindi namin pinipilit ang prinsesa sa tungkulin at paraang hindi niya nalalaman.

Marahan kong binuksan ang maliit na music box na ibinigay sa akin ni Haring Gazellian. At hinayaan ko itong gumawa ng isang mahinahong musika sa gitna ng madilim na kwarto.

A faint smile formed on my lips hearing the mellow music.

Ibinaba ko ang aking kumot at sinimulan kong bumaba sa kama. Binuksan ko na rin ang drawer ng maliit kong lamesa para kumuha ng posporo.

Sinindihan ko ang itim na kandila malapit sa aking lamesa. Yes, I can open the antique chandeliers of the palace room but the ambiance of candle light will always send different calm feelings for a vampire.

Nakapaa akong humakbang sa marmol na sahig ng aming kwarto ni Finn para lapitan ang bawat matataas na kandila na nakatindig sa matatayog nitong gintong lalagyanan.

Isa-isa ko itong sinindihan para bigyan ng malamlam na liwanag ang aming kwarto. Nang matapos magliwanag ang paligid ay nilingon ko ang aking prinsipe. Kasalukuyang nakatayo ang puting estatwa ni Finn malapit sa may bintana

"Finn.."

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang tinawag ang pangalan niya na wala man lang kasagutan. At hindi ko na rin mabilang kung ilang perlas na ang pumapaloob sa kwartong ito.

Bago ako magtungo kay Finn ay inihanda ko na ang malinis na tubig at puting tuwalya na siyang lagi kong ipinupunas sa kanyang estatwa para mapanatili ang kulay at linis nito.

Tatlong beses sa isang linggo ay lagi ko itong ginagawa sa kanya.

"Finn," hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.

I tiptoed and kissed his stoned lips. Muling bumagsak ang mga piraso ng perlas mula sa aking mga mata.

Kung sana ay totoo lamang ang mga nababasa kong kwento mula sa mga istorya ng mundo ng mga tao, matagal ko nang naibalik si Finn sa kanyang anyo.

I've been giving him kisses almost everyday. Pero walang nagbabago.

Sinimulan ko nang punasan ang kanyang mukha, kanyang mga pisngi, ang kayang matangos na ilong, kanyang mga labi at ang bawat parte ng kanyang mukha.

The White Curse (Gazellian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon