Chapter 47

185K 9.7K 2.4K
                                    

Chapter 47


Buong akala ko ay tuluyan na akong lulunurin ng babae. Mariin ang mga kamay nito sa aking ibong kaanyuan at sapilitan ako nitong inilulubog sa malamig na tubig.

At bago pa man ako lagutan ng aking paghinga, marahas na pagbangon ang ginawa ng aking buong katawan katawan.

Finn is holding me around his arms while everyone is staring down at me.

"Oh god, Kalla!" mahigpit akong niyakap ni Finn habang nalilito ang mga mata ko sa paligid.

Sa kabila nang kulambong nakaharang sa aking mukha, nababakas ang pag-aalala sa kanilang lahat.

"W-Where are we? Where are we? Nasa loob tayo ng unibersidad?" All of them just stared at me with questions on their eyes.

"We're still plotting the plans, Kalla." Sagot ni Rosh.

"Then, you suddenly passed out. Kalla, tinakot mo ako." Marahang hinaplos ni Finn ang pisngi ko.

"What happened to you?" tanong niya sa akin.

Halos hindi ko na magawang sagutin si Finn dahil ang tanging umiikot sa aking isipan ay ang nangyari.

What the fuck happened? The woman, who is she?

Everyone was expecting that the answer to my curse was in the last tower, kung saan sinasabing nasa loob ng unibersidad. Sa huling tore kung saan nandito ang dyosang aking hinahanap. But the unknown woman gave me words that brought me into another confusion.

Nasa labas? King Gazellian and Danna's biggest trace. Nalilito na ako, hindi ba at ang mundong pinag-alayan ni Haring Gazellian ang pinakamalaking naiwan ng kanilang pagmamahalan?

King Tiffon's world witnessed how King Gazellian loved a woman who was tragically not his mate.

But the other world has no words that can give an answer. Saan? Kanino? Paano?

Hindi ko na alam kung ano ang dapat naming gawin sa mga oras na ito. Someone's trying to lose our track. May pumipigil sa amin na makuha ang sagot.

Mula ba ito sa labas? O isa rin sa grupong aking kasama? This is getting more complicated.

Who from them? Si Cora? Imposibleng isa sa mga Gazellian at lalong hindi si Rosh!

But I trust Cora, she's much willing to find her mother.

"Cora, I've seen something." Nangangatal ang mga labi ko nang sinalubong ko ang mga mata nito. Based from her reaction, mukhang alam na niyang may kakaibang nangyari sa aking pagkakatulog.

"This isn't good, she passed out. Is she pregnant Finn?" tanong ni Zen.

Halos sabay kaming umiling ni Cora.

"No! I can't be pregnant, no." Ilang beses akong umiling. Mapapasa ang sumpa sa magiging anak ko.

Nabalot ako ng kaba nang marinig ang mga salita ng prinsipe ng mga nyebe. Hindi ako pwedeng magbuntis habang nasa ilalim ng sumpang ito. I can't let our child suffer.

Muling bumalik sa akin ang imahe ng babaeng tumulong sa akin.

Should I trust that woman? Anong malaking papel niya sa loob ng unibersidad? Bakit alam niyang patungo kami?

"W-We can't enter inside your brother's university. Someone manipulated everything. What happened seems so real, the emotions and image. Alam kong pumasok na tayo, but someone reversed and returned us here." Sunod sunod na sabi ko na hindi iniisip kung maiintindihan nila ako.

The White Curse (Gazellian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon