Chapter 10

200K 9.8K 1.9K
                                    


Chapter 10


Hindi ako mabilis matakot, hindi rin ako ang tipo na madalas namamalikmata pero ano ang gustong ipahiwatig ng babaeng nagpakita sa akin?

Isinuot ko na nang maayos ang kasuotan ko. I didn't want to refuse Finn, I was about to answer what he wanted, pero hindi kaya ng sistema ko na sagutin ang bawat haplos at halik niya habang may mga matang nakatitig sa amin.

Nang lumabas na ako ng kanyang kwarto ay naghihintay na ito sa akin. Umalis ito sa pagkakasandal sa pader nang makita ako.

"I'll just introduce you with my siblings."

Hinawakan nito ang kamay ko at tahimik kaming naglakad sa pasilyo.

"I'm sorry Finn," nakayukong sabi ko.

"No, it's alright. Ayoko rin na isipin mo na isa akong klase ng prinsipe na nanamantala ng inosenteng kapareha."

Natigil ako sa paglalakad at humarap ako sa kanya.

"Hindi ganito ang nasa isip ko mahal na prinsipe. I was ready to give in to you, but I wasn't lying about the woman." Bumuntong hininga ito sa sinabi ko.

"Dapat ay ramdam ko rin siya, Kalla. That was my own room, mararamdaman ko agad ang presensiya ng babae kung talagang nasa loob siya. All I felt was you."

Because you were too focused. Pinili ko na lamang hindi sabihin ito sa kanya. Hindi rin ito mahilig pumasok sa isipan ko, isang beses niya lamang ito sinubukan.

Nakarating muli kami sa napakaraming bampira. Dinala niya ako sa mga kapatid niya na may bahid na pagtataka nang makitang may hawak na babae si Finn.

"The who?" tanong ng lalaking may kulay abong buhok. Siya ang kausap ni Rosh kanina.

"She's my mate, Caleb."

"Kallaine Seraphina Verlas," yumuko ako sa kanila. Saglit lamang akong pinagmasdan ng prinsipe ng mga nyebe.

Nakakunot naman ang noo ng isa pang babaeng kapatid ni Finn, habang nakangiti sa akin ang kambal at isa pa sa kanilang lalaking kapatid. Isa lamang ang tumayo sa kanila at agad ko itong nakilala sa kanyang suot na korona.

He's the youngest king of all times, King Dastan Lancelot Gazellian.

"I'm happy that my brother found his mate." Nakipagkamay ito sa amin.

"I'm glad too, King Dastan." Tumango lamang ito sa akin at naupo nang muli.

Lumapit ang dalawa pang lalaking kapatid ni Finn sa akin.

"Hi, I'm Evan.."

"I'm Caleb,"

Umakbay sa akin si Finn. Hindi na lumapit si Casper at Harper.

"That's Zen, the famous ice prince." Kumunot ang noo nito kay Finn.

"And that's our pretty sister, Lily." Pinasadahan lamang ako nito ng tingin simula ulo hanggang paa.

Ramdam ko na mas lumapit sa akin si Caleb, siya ang pansin ko na pinakamadaldal sa kanilang magkakapatid.

"Don't come near with Lily and Zen, sila ang masasama ang ugali." Tumango si Evan.

"Yeah," sagot rin ni Finn.

Bahagyang nagtawanan ang mga ito bago sila nagpaalam. Nagtungo na kami sa likuran ni Finn at pinanuod namin ang mga bampirang sumisilip sa kabaong ng kanyang ama.

"Finn, let's go. Let's see your father. Nakasilip ka na ba sa kanya?" I asked him softly.

Base sa mga kwento sa akin ng hari mas marami ang panahong magkasama sila ni Finn kumpara sa mga kapatid nito.

The White Curse (Gazellian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon