Chapter 16

200K 11K 2.9K
                                    

SPG

Chapter 16


I accepted his proposal. Tinaggap ko ang pinaka maliit na pag-asang makaramdam muli ng kaunting kalayaan.

Niyakap ko ang kakayahang makapagpalit ng anyo para maging isang ganap na ibon. Isang kaanyuan ng ibon na sasalamin sa aking pagkatao.

Hindi na ako nagtaka nang mapuno ang buong katawan ko ng puting mga balahibo, tanging ang nagniningning nitong buntot ang higit kong nagustuhan na para bang sa tuwing lumilipad ako ay nagbibigay ito ng direksyon sa hangin.

Ngunit ang pagpapalit ng kaanyuan ay may limitadong oras lamang, hindi ako maaaring magtagal sa kaanyuang ito ng higit pa sa isang oras dahil habang-buhay nang makukulong ito ang aking katawan.

Sinubukan ko rin magpalit ng anyo sa labas ng tore at nang sandaling ginawa ko ito ay marahas akong hinugop ng tore pabalik,hindi alintana ang mga puno at batong tatama sa aking katawan.

I almost died performing that act, ilang beses rin akong napagsabihan ni Lorcan sa bagay na ito at simula nang araw na 'yon, itinigil ko na ang pagtatangkang tumakas mula sa isinumpang tore ng kalungkutan.

Years have passed, marami na akong napagdaan sa loob ng tore habang patuloy ako sa pagtulong kay Lorcan kahit siya ay hindi sumusuko na tumulong sa akin.

I've been reading the White Curse history and taking down notes for years, I knew there is something I need to discover. Every information is a piece of the puzzle that I need to solve.

I even made my own questions to be answered.

Reasons of death, bakit naging bato ang pamilyang gumawa ng puting sumpa?

Sino ang unang dinapuan?

At sino ang huling ikinulong sa toreng ito?

Kung hindi dahil kay Lorcan ay hindi ko malalaman na higit pa sa libro ang mga kagamitan dito. I even had different royal dresses, pumasok na sa isip ko na ang prinsesang sinasabi sa unang librong nabasa ko ang unang kinulong dito.

But where is she? What happened to her?

Ang tagal na nang huling dumalaw sa akin ni Lorcan, hindi kaya dumating na ang itinakdang babaeng hinihintay niya?

Posibleng masaya na ito ngayon kasama ang babaeng pinakamamahal niya. Matagal na rin itong nagpaalam sa akin na sa sandaling maging maayos na ang lahat ay mahihirapan na itong bumalik dito.

He'll try to focus with his mate, na matagal na nitong inaasam. Which I can understand.

Lumipas pa ang maraming taon, hindi na ako nakarinig ng balita mula kay Lorcan. Gamit ang aking kaanyuan bilang ibon ay mabilis kong ipinagaspas ang aking pakpak para makalipad sa malayo.

Halos magalak ang puso ko sa tuwa nang makakita ng mga anino ng bampira patungo sa isla.

Ilang taon na akong hindi nakakakita ng mga bampira, nagmadali akong lumipad pabalik sa aking tore at nang sandaling makarating ako rito ay agad akong nagbihis at umawit sa may bintana.

I want them to discover my tower, gusto kong muling makarinig ng boses ng isang bampira para may makausap ako.

Habang patuloy ako sa pag-awit ay ramdam ko na ang pagbilis ng kilos nila patungo sa aking tore at nang sandaling makita ko na ang mga pigura nila mula sa ibaba ay nakangiti akong kumaway sa kanila.

Nakasuot na ako ng itim na belo para hindi tumama ang aming mga mata.

Mabilis gumapang ang mga ito sa tore at nang sandaling sasalubungin ko na sila nang ngiti ay agad akong dinambahan ng isa sa kanila.

The White Curse (Gazellian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon