Chapter 34

184K 9.6K 1K
                                    

Chapter 34


Isang buwan na ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik si Finn, hindi na ako mapakali sa loob ng mundong ito. Hindi ko rin alam kung anong dapat kong gawin, ano nga ba ang magagawa ko kung makalabas ako rito?

Tama ang babaylan, kung sakaling masundan ko si Finn, may magagawa ba ako sa loob ng tore? Sa huli ay maghihintay lamang ako sa wala.

All I can do right now is to silently pray and wish that he's still safe. Pero paano ko mapananatiling kalmado ang sarili ko sa kaalamang ang kakayahan ng lalaking mahal ko ang siyang matinding inaasam-asam ng nakararaming mga bampira?

I thought King Dastan, his brother was a righteous king, bakit hinayaan niyang habulin si Finn nang mga oras na 'yon? Where were his siblings when Finn was running away from those vampires?

Kung ako ang tatanungin, napakalayo ng aking tore mula sa Parsua Sartorias, hindi ba dapat ay mas hayaang manatili ni Finn sa kanilang kaharian para lubos na maprotektahan?

Why did they allowed him to wander carrying the most desired power?

Hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabi ni Haring Thaddeus na ang aking kapangyarihan ang matagal na niyang hinahanap? Why didn't he tell me? Bakit hindi niya na lamang sa akin sinabi ang lahat na kailangan ako ni Finn? Bakit kailangan pa naming pagdaanan ang lahat ng ito kung alam na naman niya mula pa lamang sa umpisa na kami ni Finn ang nakatakda sa isa't-isa?

What were you thinking King Thaddeus?

Sinabi ko kay Haring Tiffon na ang maaaring maging may akda ng mga aklat na binabasa ko ay ang kanyang kapatid. Ipinakita ko sa kanya ang ilang mga parte ng aklat na may sulat kamay at siya na mismo ang nagkumpirma sa akin na mula nga ito sa kamay ng kanyang kapatid.

"Nag-iwan ng isang malaking palaisipan si Haring Thaddeus," sambit ko habang umiinom ng dugo sa lumang kopita.

"Bakit niya nais malaman ang kasaysayan ng puting sumpa?" tanong ni Haring Tiffon sa kanyang sarili.

"May kaugnayan ba ang mga Gazellian sa puting sumpa, mahal na hari?" tanong ko kay Haring Tiffon.

Ilang beses itong umiling sa aking katanungan.

"Nais kong tumulong sa'yo Kalla, ngunit wala akong nalalaman sa puting sumpa. Bago ako umupo sa posisyon ay walang nasabi sa akin ang aming ama." Tumango ako sa sinabi ng Hari.

Posible kaya na alam na ni Haring Gazellian na maaari akong dapuan ng puting sumpa? Na siyang dahilan kung bakit pansamantala niya munang pinutol ang koneksyon namin ni Finn sa isa't-isa nang maganap ang lahat ng pangyayari na naaayon sa kanyang plano?

Kung maaari ko lamang tanungin ang hari katulad ng dati, sana'y hindi na ako nahihirapan nang ganito.

Lumipas ang mga araw, nais bumawi ng hari at reyna sa babaylan, kaya ngayon ay madalas na namin siyang nakasasabay sa pagkain.

She needed to be punished, pero sa halip ito siya at pinatawad ng hari at reyna. Pero alam kong napipilitan lamang siyang sagutin ang mga katanungan ko dahil sa dalawang maharlika. Natapos kaming kumain at nagpaalam na sa amin ang hari at reyna.

Ganito rin ang ginawa ng babaylan na mukhang ayaw magpaiwan sa isang lugar na kasama ako.

Kahit ako ay hindi rin nanaisin na makasama siya nang matagal, ngunit ang kakayahan niya ang lubos kong kailangan.

Using my vampire speed, I followed the enchantress. Sumandal ako sa madilim na lugar at hinintay ko siya habang mabagal siyang naglalakad.

"Ano na naman ang kailangan mo?" malamig na tanong nito sa akin.

The White Curse (Gazellian Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon