LWAV 12

21.9K 757 298
                                    


Chapter 12: Wade

Aubrey's POV

Hindi ko talaga maintindihan si Darryll, pero ngayong maliwanag na sa'kin ang lahat na may gusto pala siya sa'kin, Bakit, Paano?

Paano niya naman ako magugustuhan, eh isa lang naman akong simpleng babae, pero di manang manamit. Eh mukhang ang tipo niya iyong mga malalaki ang dede, hindi naman malaki dede ko, sakto lang hihi.

"You're thinking of me again." sabi ni Darryll habang mataim ang titig sa'kin kanina pa.

Sinama ko kasi si Darryll dito sa isang fast food chain, kumakain ako ng burger at siya naman ay french fries, Anlakas niya maka kain ng fries kaya nakailang order na ako.

Imagine a vampire is eating a lots of fries, I can't even imagine. Well anyway, gabi na, at nakatambay lang kami rito, pero hindi ko naman alam na mapapagastos ako ng sobra dahil sa kaniya.

"Miss Aubrey, Can you please order me fries again, thank you." magalang niyang sambit atsaka ngumiti habang sinisimot sa daliri niya ang natirang flavor ng fries.

I sarcastically smiled, "Okay Mister Darryll." sabi ko at inirapan siya.

"Miss, Isa pa ngang order ng fries." sabi ko.

Napatingin ako kay Darryll, nakapatong ang  siko niya sa lamesa habang bahagya siyang nakabukaka atsaka nakatingin sa mga babaeng ando'n sa cashier, mukhang inuuto niya para makakuha pa siya ng fries

"Hoy darryll, tigilan mo nga 'yan, ibibili nalang kita." bulong ko nang napansin kong mahinang nagtitiliian 'yong mga babae ro'n.

"Huwag ka ngang magpa-cute riyan." sabi ko at kumunot ang noo.

Dahan-dahan siyang tumingin sa'kin habang dala dala ang kaniyang matamis na ngiti, "Bakit Aubrey, ano naman saiyo kung nag papa cute ako sakanila?" sabi niya at seryosong nakatingin sa'kin.

"Inuuto mo kasi sila, tapos ang pakay mo lang naman iyong fries, kaya kita bilhan no'n, huwag ka ng tumingin sa iba." sabi ko.

"Wait, is that a double meaning?" sabi niya at ngumisi.

"Kapal, kala mo naman may gusto ako sa'yo, kahit may gusto ka sa'kin, malabo parin na magustuhan kita." sabi ko kaya bahagya siyang natahimik.

Dumating na ang fries na inorder ko para sakaniya, "Nawalan na ako ng gana, eat it, if you don't want it, take out." sabi niya at tumayo sa pagkakaupo.

Living With a Vampire | ✓Where stories live. Discover now