LWAV 49

8.6K 297 176
                                    


Chapter 49: Teylan?

Aubrey's POV

Napatingin ako kay Darryll nang bigla siyang ngumiti. "Ah sige, tara tulog na tayo." sabi ni Darryll kaya humiga na ako sa tabi niya.

Hindi ko naman pinapaasa si Darryll, gusto ko lang siya maka-usap tsaka para na rin hindi niya maramdaman na porket may Teylan na ako kakalimutan ko na iyong pagkakaibigan namin. 

Ngumiti ako sakaniya nang nakita ko siyang nakangiti. Nakatitig lang siya sa'kin, at unti-unting ngingiti kaya natawa ako dahil medyo ang hirap niya sabayan sa titig huh.

"Bakit ka tumatawa?" sabi niya habang pinipigilan ang pagtawa niya.

"Eh ano ba!" sabi ko at tumawa kaya tumawa na rin siya at hinawakan ang dalawa niyang pisngi habang mas lumalalim ang titig niya sa'kin.


Unti-unti siyang sumeryoso at diretsong-diretso ang tingin sa mga mata ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Unti-unti siyang sumeryoso at diretsong-diretso ang tingin sa mga mata ko. He has a deep eyes, noong dati kapag tinitingnan ko siya hindi ko nakikita ang kung anong gustong ipakita nito pero ngayon kitang kita ko na-- "Mahal kita, Aubrey." sabi niya.

Natulala ako sakaniya, hindi ko mai-alis ang tingin ko sakaniya. Para bang permanenteng nakadikit na ang tingin ko sakaniyang mga mata. Ngumiti siya bago siniil ang aking labi nang kaniyang labi. Nakaramdam ako ng kung ano nang dumampi ang labi niya sa labi ko, na animo'y ito ang unang pagkakataon na naramdaman ko ang malambot niyang labi sa labi ko.

Unti-unting gumalaw ang labi ko at tinugon ang bawat paggalaw nang kaniyang labi. Inilapit niya ang katawan ko papalapit sakaniya para mas madali niya akong mahalikan. 


Teylan's POV

Paglabas ko nang kwarto namin ni Aubrey, sobrang bigat nang pakiramdam ko. Parang gusto ko nalang humiga sa sahig na ito at huwag nalang bumangon hanggang sa maramdaman ko ang presensya ni Aubrey.

Pagpasok ko sa kwarto ni Phoenix ay humiga na ako sa isang kama habang ando'n naman sa kabila si Phoenix. "Okay ka lang, mukhang nag-aalala ka ata kay Aubrey." sabi niya kaya napatingin ako sakaniya.

Natigilan ako nang nakita ko mismo sa isip ko na naghahalikan si Darryll at Aubrey. Kaya mas lalo akong kinausap ni Phoenix, "Uy okay ka lang?" sabi niya kaya pinasa ko sakaniya ang nasa isip ko at sigurado akong nakikita niya na rin ito.

"They are kissing." mahina at malungkot na pagkakasabi ko.

 Sabi ni Aubrey, huwag ko na raw lagi siyang hinihigpitan at bawasan ko na raw ang pagiging seloso ko maging ang palagi kong pagpapa-iral ng galit ko kaya ayokong sugudin ngayon mismo si Darryll. Ayokong masaktan ulit si Aubrey dahil lang-- pero naghahalikan sila.

Pero ayoko rin na masira ko ang pangako ko kay Aubrey na hindi na ako magseselos at magagalit agad. Napahinga ako nang malalim, at nilagay ang braso ko sa noo ko habang nakatingin sa kisame.

Living With a Vampire | ✓Where stories live. Discover now