LWAV 22

16.6K 575 223
                                    


Chapter 22: Closer

Aubrey's POV

Nagising ako sa mainit na yakap ni Darryll, nakatingin ako sa natutulog niyang mukha. Hinayaan kong may mangyari sa'min, or nalasing lang talaga ako sa halik niya, pero sabi wala namang aksidente kapag alam mo ang ginagawa mo.

Siguro nga, hinayaan ko iyon mangyari. Siguro dahil nagugustuhan ko na rin si Darryll, siguro dahil bampira siya at hindi siya gano'n ka sweet sa mga kasintahan nila, dahil para sakanila ang love ay hindi totoo, iyon lang ang fiction na nabasa ko, pero ewan ko kung totoo pero nakikita ko naman kay Darryll eh kung paano niya ako itrato as a lady, He can be sweet on his own way, Siguro may mga hindi lang ako nakikita pero he likes me.

"Goodmorning." sabi ko nang nagising na siya.

He smiled atsaka hinawakan ang mukha ko bago ito bahagyang kurutin, "Ang ganda naman ng salubong mo sa umaga ko, isang magandang babae." sabi niya at tumawa.

"Aysus, nang bola pa siya oh!" sabi ko.

"Love mo ba ako?" bigla niyang tanong kaya nagulat ako.

Nakatitig lang siya sa'kin at mukhang hinihintay ang sagot ko, hindi ko pa alan kung anong isasagot ko.

"Hindi mo ako mahal, hindi ka makasagot eh?" sabi niya at mukhang nalulungkot na.

"Kasi ako, hindi ko alam basta hindi nalang pag-kagusto ang tingin ko sa'yo, mahal na kita." sabi ni Darryll.

Napalunok ako, gosh! 'yong puso ko, ayaw kumalma, hindi ko naman ito ineexpect, palagi kasi siyang diretsahan, sabagay hindi kasi siya tao kaya hindi siya marunong mag sugarcoat ng isang word hays! Pero what to say!

"Uhmm, sige alam ko naman na iba ang gusto mo, siguro love mo ko as a......friend." sabi niya at umiwas ng tingin.

"I like you too." sabi ko kaya natigilan siya.

"Talaga?" sabi niya at sobrang ngiti ang ipinakita niya sa'kin.

Tumango ako, nagulat nalang ako nang yakapin niya ako at isiksik niya ang sarili niya sa leeg ko, diba, malambing siya.

"Hay salamat, hindi kana galit sa'kin, makakayakap na ako sa'yo!" sabi niya at tuwang tuwa.

Well, this is how he show his sweetness, and that sweetness must be appreciated.

Bumangon na kami at sabay pa kaming nagtoothbrush, sabay narin kaming bumaba at nadatnan namin do'n si Wade at Lannie.

Hindi ko sila pinansin, "Hello Morgan! Hello Aubrey." sabi ni Lannie.

"Hello, bakit ka andito?" sabi ni Darryll.

Living With a Vampire | ✓Where stories live. Discover now