LWAV 33

12.9K 494 218
                                    


Chapter 33: Handaan

Aubrey's POV

Pinagsuot ako ng isang magarbong dress, at siya ay naka formal outfit. Sobrang linis niyang tingnan, kitang kita mo pa ang hulma ng mukha niya dahil sa jawline niya.

"Okay naba itsura ko?" sabi niya at pinasadahan ng tingin ang sarili sa salamin.

"Syempre naman, palagi kang gwapo." sabi ko kaya sumulyap siya sa'kin na dala-dala ang isang ngisi.

"Tara na nga, baka kagatin kita riyan." he chuckled.

Iginaya niya ako papunta sa handaan, sukbit sukbit niya ang braso ko at sabay kaming naglalakad patungo ro'n.

Nang makarating kami ro'n, buong bayan ay nando'n pero may espasyo para sa mga nakakataas, dalawang trono sa itaas.

Umupo ro'n si Darryll at nakatayo sa tabi niya si Jennie.

Naglakad ako papunta sa gilid ng upuan, "You sit there, I'll stand." sabi ni Teylan.

"Hari ka, hindi ka pwedeng nakatayo baliw." bulong ko.

"Ayokong mangalay ka." sabi niya at hindi na ako pinakinggan kahit anong pilit ko sakaniyang umupo.

Hinayaan ko nalang siya, nakatingin sa'kin lahat ng tao maging si Jennie. "Napaka kapal ng mukha." he mumured.

Alam kong narinig iyon ni Darryll at Teylan, pero alam kong ayaw sirain ni Teylan ang kaarawan ng kaniyang mahal na mahal na ina kaya gusto kong maging maayos ang kalabasan ng handaang ito.

"Katahimikan, andito tayo ngayon para sa Mahal na Reyna ng Hogin. May mga aktibidad na magaganap sa gabing ito, una na ang pormal na pagsayaw, mensahe sa Reyna at ang oras para kumain." sabi ni Pegasus.

Pumalakpak ang madla at tumingin ulit sa'kin, "Bakit siya ang nakaupo sa trono ng hari?" sabi ng karamihan.

Ngumingiti lamang ako kaya kinalabit ko na si Teylan, "Psst, issue na ko rito." sabi ko.

"Don't mind them, kaysa naman makita kitang nakatayo tapos ako nakaupo mas magrereact sila kung naka kandong ka sa'kin diba." sabi niya at tumuwid na ulit ng tayo.

Sabagay may point, ang sweet niya talaga kinikilig ang skin cells ko gosh. Nagsimula ang isang classic song para sa formal dance.

Nagulat ako dahil bahagyang lumuhod si Teylan at iniabot ang kamay, "Maari ba kitang isayaw aking binibini?" sabi niya at ngumiti.

Living With a Vampire | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon