LWAV 41

11K 378 47
                                    


Chapter 41: House

Aubrey's POV

Lumabas ako galing sa cr dahil naghilamos ako at nagbihis na ng pantulog. Napatingin ako nang biglang pumasok siTeylan sa kwarto at sobrang seryoso niya pero mas lalo akong nagtaka sa kaniyang sinabi.

"Aalis na tayo ngayon na." sabi niya.

"Huh, bakit gabi na eh?" sabi ko naman.

Tumingin siya sa orasan at nakita niyang alas onse na ng gabi. He sighed, "Okay let's leave tomorrow and for now, impake niyo muna ni Darryll ang mga gamit niyo and I'll tell you my plan and please may you guys go out for a bit? May sasabihin lang ako sakanilang dalawa." sabi niya at ngumiti sa ibang maids.

Tumango namin silang lahat atsaka lumabas. Ini-ayos ko lang ang mga damit ko sa maletta ko dahil hindi ko naman ito tinanggal sa maletta dahil puno na rin ang mga cabinet nila rito sa maid's room kaya pagkatapos kong gawin iyon ay pumunta ako sa kanila ni Teylan.

"So bakit nga tayo aalis?" sabi ni Darryll.

"I chose to, alam kong medyo unfair ang ginawa kong desisyon dahil hindi ko man lang kayo tinanong kung gusto niyo bang umalis dito?" sabi ni Teylan.

"No, Actually it is a brilliant idea pero paano tayo aalis kung wala namang tayong pera?" sabi ko.

"Dahil birthday ko, binigay niya na agad ang sweldo natin tatlo at binigyan niya pa ako ng limang libo and I think this should be enough for us para sa isang buwan." sabi ni Teylan.

Hindi ko talaga maitatanggi sa aking sarili na may katalinuhang taglay si Teylan, nakakapag desisyon agad siya nang hindi man lang pinag-iisipan pero sabi nga nya na kaya niyang makita ang hinaharap.

Natulala lang kami ni Darryll sa sinabi niya, "Wow Teylan, I...I am really out of words." sabi ni Darryll at umiling pa na animo'y hindi makapaniwala.

Teylan just smiled, "For now, matulog na tayo dahil aalis na rin tayo bukas." sabi niya at binuksan ang pintuan para malaman na ng mga ibang maids na maari na silang pumasok.

Hindi narin kami nagtagal at natulog na rin kaming lahat dahil marami pa silang gagawin bukas at kami naman ay aalis na, medyo malungkot ako dahil naka-bonding ko na rin ang iilan sakanila but it's not that hard to leave them kasi hindi naman sobrang lalim nang aming pinagsamahan but I appreciate those times na naka-usap ko sila lalo na si Jessica.

Humiga ako sa kama at medyo nasikipan ako. Niyakap ako bigla ni Teylan kaya nagprotesta agad ako, "Huwag mo akong yakapin." sabi ko.

"You don't want my hugs?" sabi niya at halatang nagulat.

"Yes, ayaw ko ng hugs mo." sabi ko at pinigilan ang pag ngiti.

Unti-unti niyang tinanggal ang braso niyang nakapulupot sa'kin, "Uhm, okay I'll put that in my mind." sabi niya at medyo umurong.

Siguro'y narinig niya sa isip ko na nasisikipan ako, pero gosh! napaka gentleman niya talaga kahit gustong-gusto niya akong yakapin, hindi na niya lang ako niyakap para sa'kin. "Bakit ka umuurong?" sabi ko dahil mukhang malalaglag na siya.

"Nasisikipan ka 'di ba?" sabi niya.

"Uy biro lang! You can hug me, baka nagtatampo kana agad eh." sabi ko at hinila siya.

Nako po! Tampuhin pa naman itong lalaking ito, konting ganito tampo agad pero ang cute niya kapag nagtatampo. "No, I want you to be comfortable." sabi niya at pumikit na ulit.

"I am certainly sure that I will be comfortable with your hug." sabi ko at ngumiti.

Niyakap niya ako at hinalikan sa noo, "Good night Aubrey." sabi niya.

Living With a Vampire | ✓Where stories live. Discover now