LWAV 45

10.2K 314 97
                                    

Chapter 45: Project

Aubrey's POV

Umiwas ako ng tingin kay Teylan dahil feeling ko nagiging awkward na. "Sir, okay na po?" sabi ko kay Phoenix at nang tumango siya ay agad akong lumabas.

The air suddenly changed. Umupo muna ako sa table ko at nang lumabas si Teylan ay kunwari nagta-type ako pero ang totoo ay nagdo-drawing lang ako sa paint. 

Iniiwasan ko ang tingin niya. Siguro mamaya magiging okay din ako. Nakaramdam kasi ako ng kakaiba parang nag-iiba si Teylan pero alam kong hindi gano'n iyon. Hindi siya magbabago dahil alam kong talagang possessive lang siya. 

Dumating na ang oras na uuwi na kami. Nagpa-alam na kami sa mga ibang empleyado, pasara na sana ang elevator nang biglang humabol si Phoenix, naramdaman ko ulit ang tensyon.

"See you tomorrow, Aubrey. Huwag kang magpapalate, may gagawin tayong project." sabi ni Phoenix at ngumiti. 

"Opo sir." sabi ko at ngumiti rin kahit parang hindi ko kaya.

Nang makalabas na kami sa elevator, hindi rin kumikibo si Teylan para rin siyang naa-awkwardan. Kaya mas pinili kong 'wag nalang din magsalita.

Pagkarating namin sa bahay, tulog na din si Darryll. Sinarado ko na ang pintuan at ni-lock ito. Nagpunta ako sa cr para maghilamos at mag-toothbrush pagkatapos ko ay gano'n din ang ginawa ni Teylan.

Pagkahiga ko, bigla akong niyakap ni Teylan at ramdam ko ang pagod sakaniya. Siniksik niya ang sarili niya sa leeg ko at sobrang bigat ng bawat paghinga niya. 

"I'm sorry." sabi niya bigla kaya napangiti ako.

Ito lang naman iyong hinihintay ko, iyong hihingi siya ng tawad at lalambingin niya ako. "It's okay Teylan, ayokong ma-stress kapa dahil lang do'n. Naiintindihan kita palagi, kahit gaano kahirap intindihin gagawin ko iyon palagi dahil mahal kita." sabi ko at ngumiti sakaniya.

"Wala akong masabi Aubrey, gusto nalang kita titigan at yakapin." sabi niya at malungkot ang mukha.

"Pero pwede ba akong sumama sa project niyo?" sabi ni Teylan 

"Oo nakalagay naman do'n sa contract eh, na pwede mo gawin ang project by pair." sabi ko.

He smiled, "Simula ngayon, pipilitin ko ng hindi magselos." sabi niya.

"Normal lang naman magselos pero wag mong gawing pagmamay-ari mo iyong tao dahil nakakasakal iyon." sabi ko kaya tumango tango siya sa niyakap ako.

Pupunta kami ng island bukas ng umaga, dahil daw ang project do'n ay gusto raw kunin ni Phoenix or mag-rent do'n para magtatayo raw siya ro'n ng isang cafe at baka ro'n na rin kami matulog dahil mukhang malayo ang island na iyon.

"Goodnight Aubrey." sabi niya kaya ngumiti ako bago pumikit.

_

Pagkagising ko ay 5am na at 6am ang meet-up. Wala na sa tabi ko si Teylan mukhang naghanda na siya, agad-agad? Mukhang hindi ko na siya kailangan paalahanan pa dahil mukhang alam naman niya lagi ang mga gagawin.

At mukhang alam nga niya iyong sa isang island kami pupunta. Tumayo na ako at binilisan ko nalang maligo dahil baka malate kami ni Teylan do'n sa meeting time kaso baka magalit iyon  si Phoenix dahil sinama ko si Teylan. 

Pero ang agreement ay dapat kasama siya eh hindi naman niya sinabi na bawal ako magsama at isa pa gusto ko kasama o parte si Teylan ng bawat ginagawa ko dahil parehas lang naman kami ng posisyon dito.

Nang matapos na akong kumilos ay kumain na kami ni Teylan at nag-iwan nalang kami ng note sa mesa para kay Darryll dahil kasalukuyang tulog pa si Darryll. Nagdala lang kami ni Teylan ng sapat na damit para sa pupuntahan namin at nagdala na rin ako ng swimsuit in case baka mamay mag swimming pala kami.

Nagulat ako nang biglang may kotseng huminto sa harap namin at bumaba ang glass window nito. "Tara na." sabi ni Phoenix.

Siya pala. Sumakay na kami ni Teylan pero ako ay nasa harap at siya ang nasa likod, baka magmukhang driver namin si Phoenix pag parehas kami nasa likod.

"Ahm, Okay lang ba na sinama ko si Teylan?" sabi ko.

"Sure hindi naman iyon kaso, pero bantayan mo nalang at baka magalit nanaman." he chuckled kaya napatingin ako sa salamin at nakita kong nakangiti lang si Teylan.

He's trying to avoid the eye contact dahil mabilis talaga siya triggered tapos pino-provoke pa siya ni Phoenix. Tumango nalang ako at tumingin sa bintana.

Sa halip na ma-awkwardan nanaman ako, pinagmasdan ko nalang ang nadadaanan namin. Mukhang papunta kami sa isang dock dahil island iyon impossible namang magkotse kami papunta ro'n.

Pero nagkamali ako, nagkotse nga kami papunta ro'n. Joke! Andito na kami sa building ng  Flist. 

"Bakit tayo rito pumunta?" sabi ko.

"Maghehelicopter tayo para mas mabilis tayo makapunta ro'n." sabi niya.

Ah kaya pala kami rito pumunta. Tiningnan ko si Teylan kung okay lang ba siya. Nagulat ako kasi nakatingin din pala siya sa'kin, talagang lagi siyang nakatingin sa'kin noh?

Pumunta kami sa rooftop at sumakay sa helicopter. Ito ang unang beses na sasakay ako ng airplane, pero dahil sa helicopter namatay si Mama. Napangiti nalang ako, dahil sa'kin namatay si Mama.

Excited pa ako ng araw na iyon dahil kasama namin si Papa pero nauwi lang sa isang malungkot na ending. Sa sobrang hyper ko muntikan na akong malaglag, kaming tatlo lang no'n. Masakit ang pagkamatay ni Mama dahil napugot ang ulo niya ro'n sa umiikot sa itaas ng helicopter.

Nagcrash ang helicopter na sinasakyan namin ewan ko kung bakit dahil bigla nalang hindi ma-control ni Papa. Mabuti nalang ay nakaligtas kami ni Papa dahil tumalon kami sa dagat at nirescue naman kami agad.

After no'ng araw na iyon sinabi sa'kin ni Papa na may breast cancer din si Mama at may taning na rin ang buhay niya.

Simula noon ayoko ng sumakay sa helicopter dahil natatakot na ako na baka mangyari iyon ulit. Ayoko ng magkamali pang muli.

Kaya noong pumunta kami ni Papa ulit, sa dapat pupuntahan namin noon natakot na ako pero gusto ni Papa na matupad na ang pangarap ko kaya pumunta na kami ro'n.

Sinipat ko ng tingin ang paligid ko at nakita kong magla-land na kami. Ang ganda dito, andaming palm trees pero siguro maganda itayo rito ay juice bar.

Pero kaya nga project eh, plano palang slash gagawin na rin. 

"Anong lugar ito?" sabi ko.

"Paradise Teres." sabi ni Phoenix. 

"Ano?" sabi ko dahil baka mali lang ang pagkakarinig ko.

"Paradise Teres, ang pinaka magandang art island sa pilipinas." sabi niya.

Napalunok ako at tiningnan ang paligid. 

Bakit dito?

Living With a Vampire | ✓Where stories live. Discover now