LWAV 23

15.3K 543 172
                                    


Chapter 23: Wheel

Aubrey's POV

Pinaliguan ako ni Darryll, joke naligo na kaming lahat dahil aalis kami today, pupunta kami ng amusement park!

Nakafitted polo si Darryll at naka short ng sakto sa tuhod at nakasalamin ng vintage, gosh ang gwapo.

"Natulala ka nanaman sa kagwapuhan ko." sabi niya at tumawa.

"Tse! Yabang naman nitong lalaking 'to!" sabi ko at tumawa.

Lumabas na kami dahil dumating na ang kotse ni Darryll mula sa parking lot, Nasa likod kami ni Darryll at nasa harap naman si Wade at Lannie.

I'm just wearing off-shoulder sky blue, at faded jeans. Nakangiti si Darryll habang nakatingin sa'kin, ang hilig niya talaga tumitig nakakatunaw na!

"Sige titig pa." sabi ko.

"Masama kaba tingnan? Grabe naman 'to." sabi niya at bahagyang ngumuso.

Nang makarating kami sa amusement park, C-siBells Amusement Park ang nakalagay sa itaas ng entrance, nagulat ako nang akbayan ako ni Darryll at ngumiti pa, nawawala ang mata kapag ngumingiti goshness ahu.

Una kaming pumunta sa cotton candy, ayaw kainin ni Darryll dahil parang kumakain ka daw ng buhok.

"Sige na masarap ito! Huwag kana maarte, sige kapag hindi mo ito kinain jutay ka." panakot ko.

"Jutay?" sabi niya.

"Wala, kainin mo na dali!" sabi ko at sinubo sakaniya ang cotton candy.

Nasarapan naman siya pero hindi niya type na kainin lahat, tawa naman kami nang tawa nila Lannie dahil na-iigno si Darryll sa mga pagkain na pinapatikim namin sakaniya pero favorite niya parin ang ice cream.

"Bakit mo naging favorite ang ice cream?" sabi ni Wade habang nakaupo kami sa isang dining na pwedeng upuan sa labas.

"Dahil sa isang babaeng pinakain ako ng ice cream pagka bangon ko sa kabaong ko, edi ayon nagustuhan ko na." sabi ni Darryll at nakatingin sa'kin habang kumakain ng ice cream, his smile gosh.

Pagkatapos namin kumain ng ice cream sumakay na kami ng rides, sumakay kami ng roller coaster at as always na-iigno si Darryll, natatakot nga siya eh, kaya nakakapit siya sa kamay ko simpleng chansing lang ang kuya mo.

"Bakit ba kailangan niyong umalis?" sabi ko sakanila habang nakain kami ng pop corn at nakaupo sa gilid ng fountain.

"Kailangan Aubrey eh, babalik kami kaso baka matagal pa, pero hindi kana namin kilala." sabi ni Lannie.

"Hindi naman kasi kami tao kaya kailangan parin naming bumalik sa mundo namin, parang sa mga amerikano na pumupunta sa pilipinas, bumabalik din sila." sabi ni Wade.

"Mamimiss ko kasi kayo eh, magiging mag-isa nanaman ako." sabi ko at kinagat ang labi para mapigilan ang pag-luha.

Niyakap ako ni Wade, pero agad din ako hinila ni Darryll, hay nako napaka selosong bampira. "Hindi ka nag-iisa, dahil andito lagi ako." sabi niya at tinuro ang dibdib ko kung saan ando'n ang puso ko.

Ngumiti ako atsaka siya niyakap, "Wag ka mag hahanap ng ibang babae ah!" sabi ko kaya tumawa siya.

"Makakalimutan naman kita eh, kaya makakahanap na ulit ako panibagong babae." sabi niya kaya napahiwalay ako sa yakap.

Nakakainis talaga 'to, paghiwalay ko sa yakap tawa na nang tawa, nang-aasar pa eh sarap sampalin.

Tumawa nalang ako at hinampas siya sa braso. Nag-ikot ikot lang kami sa amusement park hanggang sa nag-gabi na at naisipan naming sumakay ng lover's wheel.

Sumakay kami ni Darryll sa isa, at sa isa namang slot sila Wade at Lannie, nakatitig lang sa'kin si Darryll habang nakasakay kami, parang ayaw niya na i-alis ang tingin niya sa'kin.

"Ang ganda mo talaga." sabi niya at matulis ang pagkatingin sakin.

"Baliw ka talaga!" sabi ko at tumawa.

Umiikot na ang lover's wheel kagaya ng pag-papaikot niya sa'yo. Nang bumagal na ito, nastuck kami sa taas.

"Mamimiss mo ako?" sabi ni Darryll.

"Oo naman, ikaw kaya ang lalaking nag pakita sa'kin na hindi masama maging iba, or sa english, it's not wrong to be different." sabi ko.

Hinawakan niya ang pisngi ko at unti-unting  lumapit ang mukha atsaka ako hinalikan. Antagal niya akong hinalikan, pero nang napansin niyang malapit na kami sa baba ay humiwalay na siya at tumawa.

Malapit na sila umalis, kaya ihahanda ko na ang sarili ko sa muli nilang pag-alis sa aking buhay, napangiti nalang ako nang mapait habang iniisip na next week wala na sila, aalis na sila.

"Wag kana malungkot, gusto mo pasiyahin kita?" sabi niya.

"Okay lang ako Darryll, thank you." sabi ko at ngumiti.

Ngumiti siya bago kami bumaba ng lover's wheel, Nagulat ako nang biglang tumigil ang lahat pati si Darryll nakatigil.

Napakunot ako ng noo, anong nangyayari?

"Hi Aubrey." sabi ng isang lalaking mahaba ang buhok pero sapat ang haba ng buhok niya para makita ang kaniyang mukha.

"Sino ka?" sabi ko.

"I am Teylan." sabi niya at ngumisi bago niya ini-snap ang daliri niya at bigla nalang akong nawalan ng malay.

___

Vote !  Thank you! Kilala niyo ba si Teylan? Who is he?

—JosevfTheGreat—

Living With a Vampire | ✓Where stories live. Discover now