LWAV 55

7.4K 224 136
                                    


Chapter 55: Changes

Aubrey's POV

Sa bawat pagpatak ng tubig mula sa kalangitan kasabay nito ang aking malalim na pag-iisip, kung bakit habang tumatagal unti-unting lumalamig?

Dahan-dahan ang bawat hakbang ko, at pinagmamasadan ang bawat pagtalsik ng tubig sa sahig.

Dahil iniwanan ako ni Teylan at nauna siya sa office nang wala man lang iniiwang salita sa'kin. Dahil maulan ngayon ay naisipan kong magsuot ng coat at boots, mala-koreana ang pormahan natin ngayon.

"Miss?" napatingin ako sa lalaking kinalabit ako.

"Taken na ako, hindi tayo magwowork out so huwag mo na ako landiin." sabi ko at bahagyang ngumiti.

Napakunot ang noo niya at biglang natawa, "Nalaglag kasi itong folder sa dala-dala mo, so would you mind na kuhanin?" sabi niya.

Kinuha ko agad at ngumiti sakaniya, "Diyan din 'yan nagsisimula, sa simpleng pag-abot tapos kukunin mo na 'yong number ko tapos iiwanan mo rin naman ako." sabi ko at ngumiti.

"Advance ka mag-isip." sabi niya at ngumiti.

Umirap nalang ako at iniwanan siya ro'n. Nag-iisip nga 'di ba, alangan naman mag-iisip ka lang sa isang sitwasyon lang.

Pagkarating ko ro'n, nasa isang table si Teylan at si Kyla. Bahagyang nakangiti si Teylan habang nakatingin kay Kyla, at gano'n din si Kyla.

Lumunok muna ako bago naglakad kahit hindi ko alam kung makakayanan ko pa ba gumalaw dahil nararamdaman ko ang bigat sa aking puso, na baka sa iilang sandali nalamang ay maaring bumagsak nalang ang luha ko.

Tumikhim ako dahilan para mapatingin silang dalawa sa direksyon ko.

"Good morning Aubrey." sabi ni Kyla at nakangiti pa.

"What's good in morning, kung ikaw at ang boyfriend ko ang makikita ko sa umaga at nagngingitian pa kayo." sabi ko at nilagpasan sila.

Halatang nagulat siya sa sinabi ko, pero I cannot control my temper lalo na at medyo nararamdaman ko na nanlalamig sa'kin si Teylan, bakit hindi ko sulitin at sunugin ko itong babaeng 'to.

Naramdaman ko agad ang presensya ni Teylan sa likuran ko, "Can we talk?" iyang ang mga katagang, makakaramdam ka ng kaba sa iyong dibdib.

Kakaupo ko lang eh, papatayuin nanaman ako. Sinundan ko siya sa terrace, huminga siya nang malalim at tumingin sa mga mata ko. Kahit kailan talaga ang ganda ng mga mata—

"Don't praise my eyes." sabi niya kaya napatigil ako.

"Bakit mo naman iyon sinabi sakaniya, tinutulungan niya lang naman ako sa paperworks ko." sabi niya.

Living With a Vampire | ✓Where stories live. Discover now