LWAV 54

7.9K 226 64
                                    

Chapter 54: Officemate

Aubrey's POV 

Umuwi na kami sa bahay dala-dala namin ang bangkay ni Darryll. Bakas mo pa sa mga mata ni Teylan ang mga luha na kanina'y umaagos.

Sinabi na rin niya na kapag sobra raw siyang nagagalit, lumalabas daw sa katauhan niya ang ama niya kaya naging kamukha niya kanina.

Hindi ko alam kung saan ba tutungo ang buhay namin pero alam kong kaya akong protektahan ni Teylan, at alam kong maibabalik niya si Darryll.

Kahit may ganitong nangyari sa'min, hindi pa rin kami um-absent sa trabaho dahil mahalaga rin naman ito bukod kay Darryll.

Inilagay lang namin ang bangkay ni Darryll sa kwarto niya at nilagyan ni Darryll ng makapal na yelo ang paligid ng katawan niya, nang sa gano'n ay ma-preserve nito ang bangkay ni Darryll.

Sobrang blanko ng utak ko, ni-hindi ko maramdaman kung nagugutom ba ako o nang hihina man. Hindi ko rin kayang ibuka ang aking bibig at magbigkas ng mga kataga, gustuhin ko man parang hindi ko kaya.

Lumipas lang ang oras habang naghahanda kami ni Teylan. Nakasakay na kami ng taxi papunta sa building na pinagtatrabahuhan namin.

Kanina pa kami hindi nag-uusap ni Teylan, parang sobrang seryoso niya at kahit ako hindi ko siguro siya kayang pangitiin.

Napatigil kaming dalawa nang naabutan namin silang lahat na nakatayo at ando'n din si Phoenix.

"Hello, She is our new employee. Please introduce yourself." sabi ni Phoenix.

"Hello I'm Kyla Dela Fuentes." sabi niya.

Halata mo sakaniya na mabuti siyang tao. Napakagalang niya at palangiti. Nang nagtagpo ang tingin namin ay agad siyang ngumiti kaya ngumiti nalang din ako pabalik.

Ngumiti rin siya kay Teylan pero wala talaga sa mood si Teylan ngumiti. Nakapamulsa lang siya habang naka sabit sa balikat niya ang bag niya.

Pumunta na kami ni Teylan sa table namin, natapos ko ang project at maayos naman ang kinalabasan. Isinasagawa na ang pagtayo ng building do'n sa may isla.

Napatingin ako nang umupo iyong Kyla sa tabi ko, nasa gitna namin siya ni Teylan.

"Hi po! Ako ang new employee, anong pangalan mo?" sabi niya sa'kin.

Ngumiti agad ako kahit ayokog ngumiti dahil sobrang bagot ko at nalulungkot ako sa pagkawala ni Darryll. "Hi, My name is Aubrey." sabi ko at iniabot ang kamay niya.

"Ay, nice to meet you! Nako ang saya ko kasi naka pasok ako sa company na ito." sabi niya at tumawa pa.

"Bakit naman?" sabi ko.

"Matagal ko na kasing gustong umalis sa puder ng family ko, kasi ginagawa nila akong preso. So I want to start my own living, besides I'm already an adult so why not?" sabi niya at ngumiti.

Humarap siya kay Teylan na sobrang seryoso habang nagta-type. Grabe iyong ekspresyon niya, parang hindi mo na alam kung ano bang nararamdaman niya.

"Hi sir, Ano pong pangalan niyo?" sabi niya kay Teylan.

Tumingin si Teylan sakaniya at tinuro ang I.D. Kaya tumingin naman do'n si Kyla.

"Hi Teylan, ako si Kyla nice meeting you." sabi ko.

Sumulyap lang si Teylan sakaniya at bahagyang itinaas ang kilay at bumalik na sa pagtitipa.

Binaling ko nalang ang atensyon ko sa computer at gano'n din si Kyla.

Teylan's POV

Humiwalay muna ako kay Aubrey, gusto kong mapag-isa. Pumunta muna ako sa terrace ng building. Medyo hindi kita ito dahil nasa dulo siya ng hallway.

Hinahayaan ko lang na magtagpo ang hangin at ang aking balat na parang araw at ulap, hindi man para sa isa't isa pero nagtagpo.

Hindi ko alam kung paano ko maibabalik si Darryll, ayoko na mawala ang kapatid ko. Iniisip ko lang kung paano nalang si Aubrey kung mawala ang buhay ko dahil sa pag-reincarnate kay Darryll.

Napatingin ako nang bigla akong abutan ng iced coffee ni Kyla. Actually ramdam ko na na nakasunod siya sa'kin, hinahayaan ko nalang.

"Lalim ata ng iniisip mo?" sabi niya at binuksan ang soda in can niya.

"Some problems, medyo mahirap lang ayusin." sabi ko at nakatingin pa rin sa malayo.

Kita ko kung paano niya ako titigan, pero ayaw ko naman na mag-expect. Alam ko naman na gwapo ako at hindi naman impossible na may magkagusto sa'kin.

Pero gusto ko muna dumistansya sa lahat, Hindi ko alam kung bakit pati ang lakas ko ang kaya kong layuan.

Siguro I need space to think, and maybe some time. I need to fix this, ayokong mawala si Darryll.

"Alam mo kung ano man iyang dinadala mo, malalampasan mo rin iyan at alam kong kaya mong i-solve iyan. Ikaw pa, mukhang malakas kang lalaki and hang on, lahat ng bagay ay magiging maayos din." she tapped my shoulder kaya napatingin ako sakaniya.

She has a great point of view, that's what I needed. Pero hindi ko alam kung kaya ko pa rin ngumiti or makipag kwentuhan.

"Huwag kana magalala, pwede ka humingi ng tulong sa'kin anytime." sabi niya.

Nag-thumbs up lang ako at iniwan na siya ro'n pero agad naman siyang humabol at sinabayan ang paglalakad ko.

Pero isa lang ang pinagtataka ko, bakit napupunta nanaman ako sa puntong lahat gusto ko ng iwanan?

Ayokong iwanan si Aubrey, o layuan pero....bakit?

Bakit parang gusto ko muna siyang layuan?

___

Sorry for the late update, pumunta kasi kami ng Batangas so nahirapan din ako makapag-update. Sorry sa short update dahil may pasok na bukas






Living With a Vampire | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon