LWAV 44

9.8K 352 184
                                    


Chapter 44: Boss

Aubrey's POV

Pagdating namin ni Teylan sa bahay, natutulog si Darryll sa sofa at napangiti ako dahil yakap yakap niya ang teddy bear ko.

"Nakatulog nalang siya." sabi ni Teylan.

Kumuha agad si Teylan ng kumot at inilagay ito kay Darryll. Hinawakan ko ang ulo ni Darryll at tiningnan ang mukha niya bago pumasok sa kwarto.

Naging madali ang pag-apply namin ni Teylan kasi kaya niya makakita ng mangyayari pero ano kayang mangyayari bukas?

Hindi na rin nagtagal at natulog na kami ni Teylan dahil maaga rin kami bukas eh.

"I saw you." sabi ni Teylan sa'kin.

"Huh? Saan?" sabi ko.

"You smiled, no'ng hinawakan mo ang ulo ni Darryll." sabi niya.

"Selos ka nanaman?" sabi ko at niyakap siya.

Siniksik ko ang sarili ko sa kaniya, "Ang bango mo talaga lagi." sabi niya at tinugon ang yakap ko.

I smiled at unti-unting nakatulog.

-

Ginising ako ni Teylan dahil 5am dapat gumising na kami. Tinali ko ang buhok ko at humikab.

"Goodmorning Aubrey." sabi ni Darryll pagkalabas ko.

Ngumiti ako, "Goodmorning din!" sabi ko.

Umupo na kami para mag-almusal. Pagkatapos namin mag-almusal ay naligo na rin kami agad ni Teylan dahil baka ma-late kami sa first day.

"Aalis na kami Darryll ah, iniwan na kita riyan." sabi ni Teylan at ngumisi.

Nag-fist bump pa sila at tumawa, ako naman itong walang alam kaya nagkibit balikat nalang ako.

Pagkarating namin ni Teylan do'n ay marami pa rin ang nag-aapply. Pumunta na kami sa 12th floor dahil do'n daw ang office namin.

Bumati kami ni Teylan sa mga staffs do'n atsaka kami naglakad papunta sa hallway na papunta sa office.

"Oh hi!" sabi ng isang babae at nakipag beso-beso pa kay Teylan at sa'kin hindi.

Ano ba naman 'yan, nakakaramdam na ako na maraming malandi rito.

"Goodmorning po ma'am, kami po ang new CEO assistant at head manager.' sabi ni Teylan.

"Oh welcome sa company! I am Sofia, ang head ng company." sabi niya at ngumiti.

"May meeting pala kayo ngayon with the CEO by the way so, lets go?" she said.

Ngumiti si Teylan at tumango. Naglakad kami papunta sa meeting area nila rito sa company at umupo kami sa isang swivel chair at may mahabang lamesa sa gitna.

Tumayo kami nang dumating na ang CEO kasama ang mga nag-interview sa'min kahapon.

Napakunot ang noo, Parang kilala ko siya. "Well, mukhang na-meet ko na kayo." sabi ng CEO.

Ngumisi si Teylan, "Yes." sabi niya.

"I'm Phoenix Dellano, The owner of Flist. Nice to meet you again, Aubrey." he said at naalala ko nalang siya bigla.

Siya iyong tinaboy ni Teylan sa bar dahil nilalapitan ako ni Phoenix, geez.

"Ah..he, Hello po sir Phoenix." sabi ko at nakipag kamay.

"And you, what's your name?" sabi niya.

"I am Teylan sir." sabi niya at seryoso pa rin.

Nakita kong buong-buo ang tensyon sakanilang dalawa, kaya tumikhim na ako.

"Uhmm, sir shall we start the meeting?" sabi ko.

"Oh right." he smiled.

Pagkatapos ng meeting ay nagsimula na kami ni Teylan. Ipinaliwanag lang sa'min ang mga gagawin dito sa company at naintinidihan ko naman agad.

"Aubrey, let me talk to you." sabi ni Phoenix.

"Yes sir." sabi ko.

Tumayo ako at dumiretso sa office niya.

"Woah, hindi ko inaasahan na magkikita pa tayo dahil sa totoo lang ay hindi ako mapakali simula n'ong nagkita tayo sa bar." sabi niya at titig na titig sa'kin.

"Ah! Ako rin po hindi ko rin inaasahan pero pasensya kana sa inakto ni Teylan do'n sa bar." sabi ko.

"It's okay. Alam ko naman ang pakiramdam ng nagseselos, lahat naman ng lalaki magseselos kapag ako ang lumalapit." he chuckled.

Tumayo siya sa swivel chair niya at lumapit sa'kin. "That's gonna change, ako naman ang magseselos kapag lalapit siya. If you know what I mean." sabi niya.

Wala akong masabi, hindi ko alam. Ano ang ibig sabihin niya, na siya ang magiging boyfriend ko at siya naman ang magiging possessive? Gosh.

"You can start your work here..with me." sabi niya at binigay ang papel.

"Sa'yo ko ibibigay ang project na iyan, ako na ang bahala sa client. Basta kailangan sumang-ayon ka sa agreement na naka saad diyan." sabi niya.

Binasa ko ang isang agreement na nakalagay dito. "Ako ang kasama mo sa project na ito."

"Napaka simple lang di ba?" sabi niya at ngumiti.

"So are you in or not?" sabi niya pagkalapit niya muli sa'kin.

Napatingin ako sa pintuan nang biglang bumukas ito at pumasok si Teylan.

Kinwelyuhan niya si Phoenix, "Pinupuno mo talaga ako, kanina ko pa napapansin simula palang sa meeting na kinikindatan mo si Aubrey." sabi ni Teylan.

"Teylan, ano ba ang ginagawa mo?" sabi ko at hinawakan siya pero nagulat ako nang bigla nalang tumagos ang kamay ko.

"Why are you afraid, na maagaw ko ang girlfriend mo?" sabi niya.

"Alam mo kung puro galit ang papairalin mo sa lahat ng oras, lalayo loob ng girlfriend mo sa'yo." dagdag pa ni Phoenix.

Binitawan ni Teylan si Phoenix at unti-unting tumingin sa'kin.

Ngayon lang ako nahimasmasan na lumalayo nga ang loob ko kay Teylan, hindi ko alam kung bakit pero siguro tama nga si Phoenix.

Okay lang naman maging possessive pero minsan kailangan mo rin limitahan ang sarili mo dahil baka pati ang pinoprotektahan mo ay naapakan mo na rin.

_

Team Darryll or Team Teylan?

Living With a Vampire | ✓Où les histoires vivent. Découvrez maintenant