LWAV 58

9.2K 284 85
                                    

Bawi ako! Hahabaan ko ito as much as possible. Medyo busy kasi ako sorry!


Chapter 58: Something else

Aubrey's POV

Umagang-umaga hindi ko alam kung anong gagawin ko rito kay Darryll. Para akong nakakulong at hindi makalabas dahil kapag lumabas ako baka kung saan makapunta itong si Darryll at ang mas kinakatakot ko pa ay baka pumatay siya bigla ng tao.

Naka-upo siya ngayon sa sofa habang pinapanuod ko siya ng nag-dance cover ng Dance The Night Away sa kanta ng TWICE. Nakatutok naman siya at mukhang ayaw na niyang bitawan ang cellphone, tsaka tinanong niya pa sa'kin kung ano raw pangalan ni Sana. 

Iniisip ko kasi kung paano ako makakakuha ng dugo eh, umalis naman na agad si Teylan kagabi tapos hindi man lang siya nagbilin sa'kin ng kahit ano, kung paano ang gagawin ko rito sa kapatid niya. Mas inuuna niya pa iyong babae niya, eh mas mahalaga itong si Darryll.

Maya-maya ay maliligo na ako dahil papasok pa ako, eh saan ko naman ito iiwanan? Parang wala naman akong choice, mukhang kailangan ko siya isama sa trabaho. Papa-alam nalang ako kay Phoenix siguro naman maiintindihan niya ako. 

Tumayo ako at kinuha ang cellphone ko sakaniya. Nalukot ang mukha niya nang natigil ang panunuod niya. "Bakit mo inagaw?" sabi niya at bahagyang nakasimangot.

"Magtatrabaho na ako, atsaka sumama ka sa'kin. Maliligo ka, siguro naman alam mo kung paano maligo di ba?" sabi ko at ngumiti.

"No, hindi ko alam." sabi niya at biglang umiwas ng tingin. 

"Nako, Darryll hindi ako tanga para maniwala sa'yo." sabi ko at umiling.

"As if, I'll let you touch my body. Huwag kang nag-iilusyon." sabi niya at tumayo.

"Excuse me lang huh, hindi ako nangangarap mahawakan ang katawan mo dahil nahawakan at nakita ko na ang buong katawan mo, just an information." sabi ko at umirap.

"So manyak ka? tumitingin ka sa katawan ng lalaki?" sabi niya at umiling.

"Tse! Kung maninilip ako ng katawan sana doon nalang sa mas maganda." sabi ko at dumila.

Tiningnan niya lang ako at kinuha ang twalya niya sa kwarto gaya ng tinuro ko. Pumasok na siya sa cr at ako naman ay naligo na rin sa isang cr namin. Hindi ko alam kung paano siya maliligo pero sana mauna akong matapos sakaniya at baka hindi niya alam kung nasaan ang mga damit niya.

Bahagya kong binilisan maligo pero sinigurado ko naman na pulido at maayos naman ang pagkaligo ko. Paglabas ko, nasa tapat siya ng pinto kaya napa-atras ako. Dumapo ang tingin niya sa leeg ko papunta sa collar bone ko at papunta sa dibdib ko kaya tinakpan ko pa lalo.

Bumalik ang tingin niya sa mukha ko. "You're not sexy, but you're beautiful." sabi niya.

Napalunok ako at parang tinupi ang dila ko dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa sinabi niya. Bakit ba kasi kailangan niya pang pansinin ang kagandahan ko? Alam ko namang maganda ako eh, pero kailangan niya pa bang sabihin sa'kin na hindi ako sexy? 

"Gago." sabi ko at tinulak siya kaya nakadaan ako.

"Where's my clothes?" sabi niya pero pinagsaraduhan ko siya ng pinto.

Umirap lang ako sa kawalan at tinanggal ang pagkakatapis ng towel sa'kin. 

"Paano ako magbibihis kung hindi mo sasabihin sa'kin kung nasaan damit ko?"  dinampot ko agad ang towel dahil bigla na lang siyang nakapasok.

Mabuti nalang ay nakatalikod ako, pero kahit na! Nakita niya ang pwet ko! "Bastos ka!" sabi ko at pinaghahampas siya.

"What the heck is your problem Miss?" sabi niya at mukhang naiirita.

Living With a Vampire | ✓Where stories live. Discover now