Chapter 52 & 53

8.9K 287 137
                                    

Note: I accidentally deleted the Chapter 52, so I'm going to retype it again. Such a waste of time.  Sorry for my mistake. Kung pwede rin sana ibalik niyo yung comment nyo and I'm going to rephrase some paragraph so better kung basahin niyo ulit. Thanks. And I'm going to put here the chapter 53 as well.

Chapter 52: Good...bye?

Paglabas ko ng kwarto naging iba talaga iyong pakiramdam ko eh. Napatingin si Teylan sa dala-dala ko.

"Kanino galing iyan?" sabi niya.

"Kay Darryll, nagulat nga ako bigla niya akong binigyan nito." sabi ko.

"Ngumiti lang siya, "May ibibigay din pala ako sa'yo." sabi niya.

Nagtaka ako lalo kung ano bang meron. Bakit ba sila nagbibigay ng kung ano-ano?

Iniabot ni Teylan sa'kin ang isang malaking bear at may hawak ito na heart sa gitna at may "Teylan loves Aubrey" pa na nakalagay, ang cringy. Binigyan niya pa ako ng pabango pero pang lalaki.

''Gusto mo ako maging lalaki?" sabi ko.

"Pabango ko, para lagi mo akong maalala." sabi niya at ngumiti.

Tiningnan ko ang binigay niya at ang binigay ni Darryll. Dalawang bear, isang necklace, isang pabango at--

"And this is the last one, an explosion box." sabi niya at ngumiti.

One letter and one explosion box.

Tiningnan ko siya, "Anong nangyayari? Bakit kayo nagbibigay ng gifts?" sabi ko.

"Bakit bawal ba? Atsaka huwag kana magreklamo, ang ganda ganda ng bear na regalo ko." sabi niya at tumawa.

Tumango nalang ako at kinuha ang explosion box na hawak niya at dumiretso sa kwarto. Inilagay ko ang dalawang bear sa kama. Napatitig ako sa explosion box, I'll open this and read that letter from Darryll tomorrow. Iba ang pakiramdam ko na may mangyayari bukas.

Napatingin ako sa pintunan nang iluha nito si Darryll, "Ito na iyong sulat." sabi niya at ngumiti.

Kinuha ko ito atsaka binuksan ng maluwag ang pintuan. Nakita ko si Teylan na nanunuod ng TV pero hindi naman siya nakatingin na para bang may iniisip siya.

"Uhmm, pwede bang tabi tayo matulog para lang sa gabing ito, I just want to hug you for atleast an hours." sabi niya at ngumiti.

"Papa-alam lang ako kay Teylan." sabi ko at ngumiti.

Tumango lang siya kaya naman dumiretso ako kay Teylan. "Teylan." sabi ko pero hindi pa rin siya lumilingon kaya mas nilakasan ko, "Teylan!" sabi ko kaya napatingin na siya.

"Oh bakit?" sabi niya na parang kakabalik lang sa mundo.

"Sabi ni Darryll, kung pwede bang do'n ako matulog sa kwarto niya ngayong gabi." sabi ko at may inaasahan akong isasagot niya.

"No, I want to spend my night with you." sabi niya.

"Bakit ba parang sobrang halaga ng gabing ito sainyong dalawa, ang weird eh." sabi ko at tiningnan silang dalawa.

"Fine, matulog kana sa tabi niya." sabi ni Teylan para hindi kami kainin ng katahimikan.

Tumayo na siya at pinatay ang TV. Niyakap niya ako ng mahigpit, "I love you, good night." sabi niya at inamoy ang buhok ko at bahagyang hinalikan.

"Good night, I love you too." sabi ko at niyakap din siya.

Ang tagal bago siya kumawala sa yakap, parang ayaw niya na bumitaw. Ngumiti siya ng mapait bago ako lampasan at pumunta sa kwarto. Nakaramdam nanaman ako ng lungkot, ewan ko ba hindi ko maipaliwanag kung ano ba ang nangyayari.

Living With a Vampire | ✓Where stories live. Discover now