LWAV 40

10.6K 361 88
                                    


Chapter 40: Left

Aubrey's POV

Pinilit ko tumayo kahit alam ko sa sarili ko na hindi ko na kaya. Niyakap ko si Teylan at inagawa ang tingin niya, hindi na pula ang mata niya kulay itim na at ramdam na ramdam ko ang init ng kaniyang katawan.

"T-teylan! Stop Teylan!" sabi ko at hinihigpitan ang yakap ko sakaniya.

Pero hindi niya parin tinitingnan ang mukha ko at sinasakal niya parin si Lyka, Kaya hinawakan ko na ang pisngi niya.

"TEYLAN LOOK AT ME!!" Sigaw ko.

Pinilit kong itapat ang mukha niya sa mukha ko. Hindi ko maigalaw ang mukha niya, para lang akong nagtutulak ng pader.

Kung hindi ko siya kayang pigilan sa lakas, hahalikan ko nalang siya panis kayo.

Hinalikan ko siya. Parang hindi gagana ang kapangyarihan ko, pero sinubukan kong patagusin muli si Lyka sa kamay niya.

Gumana ang ginawa ko. Pagkahiwalay ko sa halik, normal na ang kulay ng mata niya at hinihingal siya nang sobra.

"Teylan?" sabi ko.

"Aubrey?" sabi niya at sobrang hinihingal.

Napangiti ako, "Okay ka lang?" sabi ko.

Umiling siya at unti-unting nawalan nang malay. Tinulungan ako ni Darryll na dalhin si Teylan sa kotse na sinakyan namin kanina.

Sinakay narin namin si Lyka dahil wala narin siyang malay, siguro dahil sobra na ang pagkaka sakal sakaniya ni Teylan.

Pagkarating namin sa bahay ay pasimple kong ginamitan ng kapangyarihan para mas mapadali ang pagbubuhat namin kay Teylan.

Andaming tanong nila manang, pero hindi ko sila sinasagot dahil ayokong malaman nila ang mga gano'ng bagay mas maganda na hindi nila alam at baka idamay pa sila.

"Labas po muna kayo ng kwarto, huhubaran ko po kasi si Teylan." sabi sakanila.

"Bawal pa-share?" sabi ni Jonah

Tumawa ako, "Bawal ate, ako lang pwede makakita." sabi ko.

Pagkalabas nila. Bigla ako nanginig kahit niluluwagan ko palang necktie niya, huminga ako nang malalim bago sinimulan tanggalin ang bawat butones ng kaniyang polo.

"Gusto mo ako na magtanggal, parang hirap na hirap ka eh." Darryll chuckled.

"Hindi na, Gusto ko rin kasi—heh basta ako na!" sabi ko.

He laughed. Binilisan ko nalang ang paghubad ng damit niya at nang nakita ko ang buong katawan niya, pinagpapawisan ako bigla at hinihingal.

Kasi paano ba naman iyan! Ang hot talaga niya! Hot Teylan! His broad chest, sculpted biceps, six pack of abs and his deep v-line.

Living With a Vampire | ✓Where stories live. Discover now