LWAV 38

12K 416 52
                                    


Chapter 38: Party

Aubrey's POV

Hindi nalang pinansin ni Teylan ang sinabi niya, mas pinagtuunan niya ng pansin kung ano ang magiging reaksyon ni Lyka sakaniyang sinabi.

Mukhang nagulat si Lyka at hindi makapag salita. Bumuntong hininga si Teylan at umiling, alam kong pinipilit niyang i-kalma ang sarili niya.

Nang matapos kumain, dumiretso na ang ibang maids sa kwarto at naiwan si Jessica at ako sa kusina dahil may gusto raw siyang i-kwento.

"Okay ka lang ba?" sabi niya.

"Yes, okay naman." sagot ko.

"Lahat kasi ng lalaki niloloko si Ma'am Lyka kaya, gusto niya 'yong gusto niyang lalaki ang pipiliin niya hindi iyong mga lalaking gusto nga siya pero katawan at pera lang ang habol sakaniya." sabi niya.

"You know, true love is just there bakit mo aagawin ang isang lalaki kung ito ay pagmamay-ari na ng iba diba?" sabi ko.

"Pag pa sensyahan mo nalang siya, pero hindi kita masisisi kung umabot kana ro'n sa puntong gusto mo na siyang tampalin ng 69 na beses." sabi niya at tumawa.

Pinapasok niya na ako sa kwarto at siya na raw ang magsasara ng gate at bahay. Pag-pasok ko sa kwarto ay nakita ko si Teylan na naka sando at nakapatong ang braso niya sa noo niya.

Napatingin siya sa'kin nang pumasok ako, pumwesto na ako ro'n sa dulong bahagi ng kama. Niyakap niya ako agad.

His sigh is a sign that he really need my hug. "I am so tired." sabi niya malapit sa tainga ko.

"I'm sorry, nakita mo pa akong galit. Ayoko ngang nagagalit sa harap mo dahil kapag nagalit ako, baka pati ikaw masaktan ko." sabi niya at tumingin sa mga mata ko.

"It's okay, hindi mo kailangan mag-sorry. Gwapo mo kasi kaya gusto ka niya tuloy agad!" sabi ko at tumawa.

He chuckled, "Matagal na akong gwapo." sabi niya at marahang pinisil ang pisngi ko.

Living With a Vampire | ✓Where stories live. Discover now