CHAPTER 2: MATCH

95.9K 3.8K 910
                                    

Chapter 2: MATCH

NAGISING ako dahil sa mataas na sikat ng araw. I opened one eye and mentally cursed when my eyes met the rays of the sun. Napabangon ako sa kinahihigaan at mas lalong napamura nang manakit ang likod ko. Yes, I slept in one of the benches at the academy's wide oval. Thanks to my lost admission letter and also special thanks to the registrar building na hindi ko natagpuan sa paglilibot ko kahapon. Tumigil lamang ako nang dumilim na ang paligid dahil baka mas lalo lamang akong maligaw.

Napatingin ako sa ilang mga lalaki na dumaan sa gilid. Everyone was on their uniform and heading somewhere, probably to where the ceremony for freshmen admission will be held. Tumayo ako at tinungo ang water fountain. Naghanap ako ng gripo sa paligid at sa kabutihang palad ay meron naman. Naghilamos ako at nagmumog. Hindi na ako nag-abalang magbihis pa. I cannot just strip in this open area and change my clothes. Matapos magsuklay ay tinahak ko na rin ang daang tinungo ng ilan sa mga nakita ko kanina. Pusangina talaga ang lalaking iyon! Siya ang dahilan ng lahat ng ito!

And just as I started my morning the bad way, naligaw lang naman ako. I guess I really have a weak sense of direction. Napakalawak naman kasi ng Academy kaya hindi na nakapagtatakang maligaw ang baguhang katulad ko.

Matapos ang ilang oras na paglilibot ay natanaw ko na ang tila malawak na stadium. Bahagya pa akong nag-alangan dahil walang tao sa paligid at sarado pa ang entrance— not to mention na wala naman akong naririnig na ingay na mula sa loob. Sa huli ay ipinasya kong buksan ang malawak na pinto.

"The academy hopes that each of you do your best in your stay here. Welcome and good morning!"

Iyon ang narinig ko nang buksan ko ang pinto. I was surprised to see a lot of students inside! Wow, this hall is sound proof dahil hundreds of students ang pumapalakpak habang nakaupo. Surprised by what I saw, nabitiwan ko ang pinto at lumikha iyon ng malakas na kalabog na naging sanhi upang mapatingin ang lahat sa direksyon ko.

Akala ko ay mananatili sa akin ang atensyon ng lahat but it only lasted for a while dahil agad na tumayo ang mga estudyante at tinungo ang exit. Hinanap ng mata ko ang lalaking nagsalita kanina sa harapan at nang makita ko siya ay agad akong lumapit.

"Excuse me po," magalang kong wika, totally ignoring the mass of students that passed behind me. "Saan po ba malalaman ang tungkol sa klase ng bawat estudyante?"

Napakunot ang noo ng lalaki sa tanong ko. "I believe that's discussed last night on your dormitory orientation."

"'Yon na nga po ang problema. Hindi ko alam kung saang dorm—"

Mas lalo lamang napakunot ang noo niya. "Are you officially admitted to this school? Nasaan ang admission letter mo?"

Napabuga ako ng hangin. "Nawala po. Kasi po—"

"We don't need your reasons. That means you've defaulted in your admission. Tsk, women! Kahit kailan talaga . . ." he said as he walked away. Hindi ko na narinig ang sinabi niya dahil papalayo na siya at mukhang sa sarili niya sinasabi ang huling pangungusap.

Ngunit papayag lang ba ako na ganito? Dala-dala ang mga gamit ko ay hinabol ko siya. "Pero, Sir!"

"I'm sorry, miss, you can't do anything about it. No admission letter means you're not enrolled," sagot niya at tuluyang lumabas sa pintong nilabasan din ng napakaraming estudyante.

I breathed heavily and gritted my teeth.

Hinintay kong makalabas ang lahat ng estudyante bago ako lumabas ng stadium. Muntik na akong mapasigaw nang may nagsalita sa gilid nang lumabas ako.

"You're not in your uniform? Oh. The same clothes from yesterday."

Umakyat lahat ng dugo ko sa ulo nang makita ang lalaking walang hiyang nagpaalis sa akin sa kinauupuan ko sa tren. The same spiked hair, same shining thud, and the same annoying pirate smile. Nakatayo siya at nakapamulsang nakasandal sa pader.

RUN FOR YOUR LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon