CHAPTER 56: YOU ARE

75.5K 3.5K 1.6K
                                    

Chapter 56: YOU ARE

Lunchbreak at mamaya ay balik na naman kami sa pag-iikot sa buong research lab ngunit hindi ko makuhang sumubo kahit isang beses. My nape hurts pero hindi niyon kayang tumbasan ang sakit na nararamdaman ng kalooban ko.

Ano'ng nangyayari sa Capital? Why did it turn out like this? I thought they value the people kung kaya itinatag ang Project: RUM pero bakit tao na mismo ang ginagawa nilang karne?

"Ayos ka lang ba, Sunny?" tanong ni Coco. He's very hyper today. And it saddens me kapag naiisip ko na kung ano itong pinasok namin.

I forced a smile at tumango. "Ayos lang."

Napatingin ako kay Trench na kumakain. Alam na rin kaya niya? How about his microchip? Nasa katawan pa rin ba niya? Magiging alipin ba siya ng Capital? Sinulyapan ko ang kanyang batok and I didn't see any sign na tinanggal niya iyon.

Wait. Why am I worrying about him? He's a Grande—the highest of the highest elite. Gayundin si Tatsulok. Siguro ang rason kung bakit mas pinili niyang tanggalin ang chip sa akin dahil hindi naman magiging problema iyon sa kanya. He's a Grande so no need to worry.

Megan looks worried and troubled. Panay ang hawak niya sa batok niya. Maingat ang galaw na kinuha niya ang kanyang tinidor at nilagay iyon sa bulsa ng kanyang damit. Uminom siya ng tubig bago tumayo at nagtanong sa isa sa mga nagbabantay sa palapag kung saan ang daan patungo sa CR.

Teka, anong gagawin niya?! Napatayo ako sa kinauupuan ko at sumunod sa kanya patungo sa CR. Pagpasok ko roon ay kinatok ko ang bawat cubicle.

"Megan!" I keep my voice low upang hindi ako mahalata ng men in black nasa paligid lamang at nagkalat. "Megan!"

Bumukas ang panggitnang cubicle at sumungaw roon ang ulo ni Megan. "What?" medyo iritadong tanong niya.

I pushed the door at pumasok sa loob ng cubicle at muling sinara ang pinto. Trumiple yata ang iritasyon ng kanyang mukha. "What are you doing here, Sunny?"

"'Wag na 'wag mong ituloy ang binabalak mo!"

"What?" pagmamaang-maangan niya.

Muntik na siyang napasigaw nang kinapkapan ko ang kanyang bulsa. She tried pushing me away ngunit nakuha ko na ang tinidor sa kanyang bulsa.

"What the hell Sunny, ano ba!"

Itinapon ko ang tinidor sa basurahan. "Don't ever dare. Hindi ko alam ang mangyayari but don't do it. Alam kong balak mong tanggalin ang microchip na nasa katawan natin pero Megan, halos isang oras na ang lumipas."

"What do you mean?"

"Jean-Claude warned me about this. Sabi niya, kapag nag-implant na ng chip sa katawan natin ang Capital, remove it within ten minutes. Beyond that, 'wag mo na lamang tangkain pa."

She looked pissed as she massaged her nape. "I don't like this. Something's going on, Sunny."

RUN FOR YOUR LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon