CHAPTER 5: YOU'RE WELCOME

89.8K 4.3K 1.4K
                                    

Chapter 5: YOU'RE WELCOME

PANAY ang lingon ko sa paligid ko at nagmatyag kung sakaling nasa paligid lamang si Triangle. Napakaraming estudyante sa loob ng stadium pero ganoon pa man, alam kung makikita at makikita pa rin ako ng tatsulok na iyon kung nanaisin niya.

Pumwesto ako sa dulong upuan at nag-ala hawk eye. My eyes caught Triangle looking on every row. Mukhang may hinahanap siya! His bruised face looked pissed!

Nagsimulang dumilim ang paligid at tanging ang ilaw sa stage lang ang nagbibigay ng liwanag. Tatlong tao ang umakyat sa stage at ngayon ay nag-a-adjust sa mic na nasa harap.

Ah! Wala akong pakialam! Mas may pakialam ako sa Tatsulok na iyon na binuksan pa ang flashlight ng kanyang cellphone at nagpatuloy sa pagtingin sa mga taong nakaupo.

Nagkunwari akong nasa harap ang atensyon ko. Coco looks so excited as he watched the robot on the stage. Nag-abot ang robot ng isang metal na bola sa isa sa tatlong tao na nasa gitna. The guy tossed the ball at bigla iyong naglabas ng mga larawan ng graduates ng Academy. It was a hologram presentation.

Napansin ko na hindi pala normal ang kamay ng isang lalaking nasa harap. It was a bionic arm. Although it was pure metal, he carry it like it's as light as normal limb.

"Good day, Academians!" bati ng lalaki. "This is a good day to give you a challenge to see if you really deserve to be here. I am telling you, it takes a lot to be a student of this Academy."

Hindi na ako nakinig pa sa ibang sinabi niya dahil napansin kong may hinahawakang maliit na bagay si hugis. That thing lighted and it looks like a little screen with controllers. Napansin ko rin ang isang maliit na bagay na lumilipad. It focuses on everyone's face one by one and—puto. It's a drone!

Talagang wala akong kawala sa hugis na ito! Now I hated myself for being impulsive and short tempered but hell, other part of me don't regret it! He deserved it! No one gets to belittle every woman; not him or anyone!

Ganoon pa man ay natatakot pa rin ako sa kahihinatnan ko kapag natagpuan ako ni Triangle. He looks like the kind who screams "mess-with-anything-but-my-face-or-spiked-hair!" And shit, I just messed with his face!

Pero siya ang naunang nambato ng mansanas! I'm just returning the favor and—argh! Papalapit na sa pwesto namin ang drone. Puto, ayaw ko na talaga!

Patuloy lamang ang nagsasalita sa gitna but I didn't mind it for now. Itatanong ko na lang kina Suri kung anong mga pinagsasabi nila. For now, my priority is not getting caught by that three-sided polygon!

Bumaba ako sa sahig, without being suspicious, at nagsimulang gumapang. Heck, mabuti na lang talaga at hindi gaanong marumi ang sahig dahil kung hindi ay nasa uniform ko na lahat ng dumi sa mundo. I saw the drone passed my empty chair and I almost sigh in relief.

Almost!

Almost dahil bigla na lamang bumaba sa sahig ang drone at ang sahig naman ang tiningnan! What the?! Akala ko lumilipad lamang ang drone na iyon! Nagsimula akong gumapang palayo. Maingay pa rin ang nagsasalita sa gitna at wala akong pakialam! Sana pala ay nakinig ako sa sinabi nina Iris at Margo sa akin. Never mess with Triangle Bermudo, damn.

I didn't mess with him. I messed BIG TIME with him. Arrrgh! Mahal ko ba talaga ang buhay ko?

Tila nabuhayan ako ng loob nang makakita ako ng ilaw na nanggagaling sa ilalim ng pinto. My first move was to crawl faster hanggang sa makarating ako roon at agad na pumasok sa pinto bago iyon isinara. Habol ang hininga, napasandal ako sa pinto at kahit papaano ay naging masaya ako at proud sa sarili ko na nakita ko itong pinto.

My eyes roamed around the room. Wow, the area is grand. Malawak iyon at fully air-conditioned. Teka, bahagi ba ito ng stadium? Tapestries hang on the wall, and a huge screen was in front. Napakalaki niyon na para bang ad screen sa kapitolyo. My eyes focused on the screen and it projects what's happening outside, in the stadium.

RUN FOR YOUR LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon