CHAPTER 36: IT'S A DEAL

65.5K 3.2K 503
                                    

Chapter 36: IT'S A DEAL

AGAD na itinutok ng mga army sa akin ang kanilang mga rifle at nanlaki ang mga mata ko. Puto, isang kalabit lang nila, kakalat sa puting sahig ang utak ko. Dahan-dahan na itinaas ko ang dalawang kamay at napatingin kay Trench.

"Dr. Moran, she's my classmate and Dr. Gallego's sister," wika ni Trench.

Tiningan ako ni Elpidio Moran at hindi nakatakas sa mga mata ko ang bahagyang pag-angat ng sulok ng labi niya. Eh? What was it about?!

"Sonia Gallego?" bulalas ni Elpidio Moran.

Puto, famous ako?! Tumawa siya at inutusan ang mga army na ibaba ang kanilang mga rifle. Actually, they're not armies pero sa laki ba naman ng mga rifle nila, para silang susugod sa gyera!

"K-Kilala n'yo po ako?"

"You almost beat my daughter at the Face-Off," nakangiting wika niya. Uh. Actually I don't like the way he smiles. Parang may kahulugan.

"A-Almost lang naman po, sa huli ay ako pa rin ang talo," sagot ko sa kanya.

"One-point margin, Gallego, and it's good as she lost," wika niya.

Mas lalo tuloy akong nainis. Pusanginang ama siya, why couldn't he just be proud that Brenda won? Kahit one-point o ilang point pa iyon, he should be proud!

"Oh, why are you here by the way?" Moran asked.

Napatingin ako kay Trench na tinitingnan ako sa blankong ekspresyon. He's probably here to take a step in the favor that I ask. I ignored him and focused on Moran.

"May kailangan po ako sa inyo. It's about your system here in Foster."

Elpidio Moran nodded his head at tinuro ang pinto. "Why don't we talk about it inside my office?"

The armies guided us at tahimik na sumunod ako sa kanila. Bawat hakbang ko ay lalong bumibigat na tila ba may nakataling metal na bola sa mga paa ko. Isa pa ay nandito si Trench at malamang ay maririnig niya ang sasabihin ko. I will handle this matter for Iris and I will let him handle the bigger matters.

Nang makapasok kami sa loob ng office ay gusto kong manliit sa sarili ko. Puto, office pa lang 'to ni Elpidio Moran na namamahala sa Foster, paano na lang kaya ang office ng mga Grande?! Pumwesto ang dalawang soldier sa pinto at naupo naman sa sofa si Moran. He offered me and Trench some seat at agad akong napaupo dahil hindi na kaya ng mga tuhod ko.

"Miss Gallego, you can talk first. Ayos lang naman siguro sa 'yong nandito si Trench, hindi ba?" tanong niya ang I slowly nodded my head. Puto, may choice ba ako kung hindi naman siya papalabasin ni Moran?

"Good," he replied at tinawag ang isang pangalan.

Mayamaya ay may lumapit na malaking robot sa amin at tinanong kung ano ang gusto namin. I asked for water. He opened his chest at humugot ng tubig na nandoon.

RUN FOR YOUR LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon