CHAPTER 67: TAKE A BITE

73.1K 3.5K 1.4K
                                    

Chapter 67:TAKE A BITE

I ROLLED on the bed and my body bumped on Gon's side. He was sitting beside me at nanatiling gising. Madilim ang loob at ang tanging ilaw ay mula sa maliit na bintana.

"Pentagon, matulog ka na," wika ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano'ng oras na ngayon dahil hindi namin nakikita ang outside world.

"I need to guard you, Kitten," sagot niya at mas tumuwid pa ng upo. "Baka ano na naman ang gawin sa 'yo ng matandang iyon."

Sinulyapan ko ang kabilang bahagi ng selda kung saan may isa pang bunk bed. Nasa taas si Coco at sa baba naman si Nebz. He was untied this time pagkatapos niyang mangako na hinding-hindi na gagawa ng kung ano man sa akin. Gon kept his ring at kinapkapan pa ito but he still wanted to guard me.

Hindi ko tuloy maiwasang matanong, what did I do to deserve Pentagon? Am I worth everything? Looking at him now, hindi ko maiwasang manliit sa sarili ko. I haven't done anything for him. He always proclaims that I am his best friend—but am I worth keeping?

Tinampal niya ang tagiliran nang biglang may dumapong lamok. Did I mention that he's topless? Pinunit-punit niya ang damit kanina para itali kay Nebz.

"Gon, hindi mo naman kailangang gawin 'to," wika ko sa kanya. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at hinarap siya. "This is too much at baka hindi ko magawang suklian lahat ng ginawa mo para sa akin."

I heard him scoffed. "Kitten, humihingi ba ako ng kapalit?" Mahinang tinulak niya ang noo ko gamit ang kanyang hintuturo. "Ilagay mo sa kukote mong hindi naman kailangan ng anumang kapalit ang ginagawa ng mga kaibigan."

I sighed. "Why are you this good to me, Gon? Mula pa lang noong unang araw ay wala kang pinakitang hindi maganda sa akin."

"Must it have a reason? Dapat ba, magkaroon ng rason para maging mabuti ka sa tao?" tanong ni Gon. "Now, let me rephrase those questions for you to answer, Kitten. Why do you have to take the burden of fighting for what's right?"

"Because—" Ano nga ba ang rason? Bakit ko ba ito ginagawa? "Dahil iyon ang tama."

"Paano mo naman nasabi na tama iyon?" tanong niya. Paano nga ba? Ano ang basehan ko na tama ang ginagawa ko? Just because it's what my heart and mind yield?

"See? Hindi mo alam. Same goes with me, Kitten," mahinang sambit niya.

"Pentagon . . ."

"Sabihin na lamang natin na pasasalamat ko na rin 'to sa papa mo. His blood is in my blood too kaya heto ako ngayon, hindi magawang kontrolin ng Capital," wika niya. "Now, I really believe that history repeats itself. Biruin mo, matalik na magkaibigan pala si Daddy at papa mo—Trapezart. Tapos ngayon tayo rin—Penny?"

Napangiwi ako dahil sa naisip niya. "Ewan ko sa 'yo—"

"O baka naman gusto mo ng Gonny?" He started poking my side and how many times do I have to tell him that I hate it?

"Pentagon, ititigil mo 'yan o mababalian ka ng isang daliri?" I asked, trying to sound hostile.

He raised his arms and laughed. "I'll behave."

Huminga ako nang malalim at pilit na ngumiti. I feel like I dragged him in this hellhole. "Sorry, ah?"

"For what?"

"For these." I roamed my eyes on the dark room. "All of these. Pakiramdam ko kasi, ako ang nagdala sa 'yo sa sitwasyong ito."

Naramdaman kong hinawakan niya ang palad ko. "Even if I didn't meet you, something similar to this might still happen. This is what I want, Kitten, I didn't do it because this is what you want. I'm not the kind of person who does things out of my will. I did it because I wanted to."

RUN FOR YOUR LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon