CHAPTER 34: ASKING FOR HELP

70.8K 3.6K 958
                                    

Chapter 34: ASKING FOR HELP

HALOS hindi ako makapaniwala sa nangyari. Gon spilled something last night and in a blink of an eye, he forgot everything. I stayed up all night thinking about the things he told me ngunit sinira niya ang momentum. He was this close to giving the name tapos biglang ganoon ang nangyari. A part of me is pissed pero nanaig ang awa ko kay Gon. He was really in pain and when I told him that he missed to tell me something important ay halos isumpa na rin niya ang sakit niya. Ilang beses siyang humingi ng tawad at sinabi ko na lamang na ulitin ang ginawang research but he doesn't know where to start o ano ang gagawin.

Thankfully, today is not Armstrong's week. No physical training for the next two weeks at sa halip ay acads muna ang uunahin. Ilang beses ko nang kinurot ang sarili ko upang manatiling gising habang nasa harap ang nagtuturo ng Advance Science. Nang tumunog ang bell na tanda na break time, I immediately pressed my face on the table and closed my eyes.

Inaantok ako ngunit hindi pa rin mawala sa isipan ko ang lahat. The thing with Brenda and Bunny, the great depression, at 3rd Ward. Gon's situation. Gon is the only person―no. I can ask for another person.

Naging aktibo ang katawan ko at agad na nagising ang diwa ko. Students got up from their seats at pumunta sa canteen. Hinanap ng mga mata ko ang prospect ko na maaaring tumulong sa akin. I found him at his seat, jotting down something on his notes.

Tumayo ako mula sa upuan ko at lumapit sa kanya. I sat in front of his seat at dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin mula sa kanyang notes.

"Yes?" he asked in his usual blank face.

Tiningnan ko ang paligid at nang masigurado na walang tao sa malapit ay bahagya kong inilapit ang mukha sa kanya. "Can we talk?"

"We're talking."

Uh, sabagay. "I mean, somewhere private."

He raised a brow like he silently asked what is it about pero tinanguan ko lamang siya. He maintained his poker face at mayamaya ay isinara ang note at itinago iyon sa bag niya. "Okay."

Tumayo ako at naunang maglakad. Tahimik na sumunod naman siya sa akin. Dinala ko siya sa hindi mataong bahagi ng Academy. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago taas-noong humarap sa kanya.

"Trench Mariano, I need your help."

His forehead creased for a bit na tila ba hindi niya inaasahan ang sinabi ko. Well, kahit ako ay hindi iyon inaasahan. I hate him one time and I even cursed him. Isinumpa ko na balang araw ay babagsak din siya but hopefully he won't remember the words that came from my filthy mouth. Uh, sometimes, I don't mean what I say when I am angry.

"It's . . . it's v-very important at sa tingin ko ay ikaw ang tamang tao na kailangan kong lapitan," Oh please, just say yes.

"Bakit mo naman 'yan nasabi?"

Okay, I wasn't prepared for this Q and A portion but for the sake of my favor, I will try to answer him. "This is a big thing at sa tingin ko ay ikaw lamang ang makakatulong sa akin."

"What if I can't be of any help?" tanong niya.

"Well, it's worth the try." Hello, if there's a will, there's a way. Sana lang mahawaan ko siya sa will ko na ayusin ang problema ng 3rd Ward.

Trench kept his hands inside his pocket at tiningnan ako na tila ba tinitimbang niya kung pagbibigyan ba ako o hindi. Kulang na lamang ay mag-puppy eyes ako sa kanya pero huwag na lang dahil baka mabwisit siya sa mukha ko kapag ganoon. Stella once told me that 'puppy eyes look' doesn't suit me. Mukha raw akong asong ulol kapag ganoon kaya mula noon ay hindi na ako nag-puppy eyes.

RUN FOR YOUR LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon