CHAPTER 12: MARKED

78K 4K 1.4K
                                    

Chapter 12: MARKED

HINDI agad ako nakagalaw. My mind was dysfunctioning and every sanity in me vanished. Nakamulat lamang ang mga mata ko habang nasa leeg ko pa rin si Triangle. Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay saka lamang tila bumalik ang kaluluwa kong saglit na namasyal.

"Are you fine?" tanong niya sa akin.

I know I looked so foolishly shocked right now.

The first move I made is that I lifted my fist at malakas na tumama iyon sa kanyang mukha. Bumagsak siya sa lupa dahil hindi niya inaasahan iyon.

"Argh, tang—" Umayos siya ng upo at napahawak sa ilong niyang dumudugo. Napalakas yata ang suntok ko. "I removed any possible venom or anything from the bite and this is how you repay me? Unbelievable!"

Kahit ako ay nagulat sa sarili ko. Napahawak ako sa leeg ko at tiningnan ang patay na tuta sa gilid. "N-Nagulat lang ako! At bakit ba kasi bigla-bigla ka na lang naninipsip?!" Eh, ano ngayon kung malason man ako o ma-rabies na mula sa ligaw na tutang iyon? He wanted me out of the picture, right? He could just let me die!

Hindi na siya nakasagot dahil biglang may ilaw mula sa himpapawid. A search and rescue helicopter. May ibinabang lubid at bumaba mula roon ang tatlong fake astronaut. Ang isa ay hinawakan si Triangle, ang isa ay hinawakan ako, samantalang pinulot ng isa ang aircraft ni Triangle at maging ang tutang walang malay.

Iginiya nila kami paakyat sa hagdan at wala naman kaming nagawa kundi ang sumunod. Muli nila kaming dinala sa loob ng quarantine area.

Nakaupo si Trench sa sofa habang nakahalukipkip. Isa-isa niya kaming tiningnan nang walang kaemo-emosyon. Aaron on the hologram appeared and looked pissed on us.

"You're breaking the rules at maaaring makasama iyon sa buong Capital. Paano kung airborne pala ang sakit na iyon? You're risking everyone's life!" pangangaral sa amin ni Aaron.

Triangle smirked and sat on the sofa. Kumuha siya ng throw pillow at itinakip iyon sa tainga niya. Yup, he's that rebel.

"Miss Gallego! What on earth are you thinking? Kapatid ka ba talaga ni Jean-Claude? You're way too stubborn and stupid—"

Pinutol ko ang sasabihin niya. "Jean-Claude is Jean-Claude. I am Sunny. Magkapatid o hindi, kahit pa kambal ay magkaiba talaga kami. Don't you dare compare me to him." I'm really pissed at napansin nilang lahat iyon.

"Trench, do your tests on her and tell us what you've find out," wika ni Aaron bago siya tuluyang nawala.

Napabuntonghininga naman si Trench at tumayo. Hinarap niya ang pinsan at tinuro ang pinto. "Triangle, go and make yourself vomit dahil baka makasama pa iyon sa 'yo."

Tahimik na sumunod lamang si Tatsulok sa pinsan.

Bumaling si Trench sa akin. "Humiga ka roon." Tinuro niya ang kama na nasa gilid. Hindi ko maiwasang magtaas ng kilay.

RUN FOR YOUR LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon