CHAPTER 24: WELCOME BACK TO 3RD WARD

67.6K 3.4K 1.1K
                                    

Chapter 24: WELCOME BACK TO 3RD WARD

IT ALL happened in a blur. It's been almost a minute since Jean-Claude gave his vote to Brenda at ngayon lang tuluyang promoseso ang lahat ng iyon sa isipan ko. Isang bahagi ng pagkatao ko ang gustong umiyak at isumbat sa kanya ang ginawa niya. Una ay pinahiya niya ako sa pamamagitan ng pagpapaalam sa lahat tungkol sa ichthyophobia ko. Pangalawa ay ang hindi niya pagboto sa akin kahit na kapatid niya ako.

The beast in me suddenly awakens. Kumawala ako sa pagkakahawak ni Triangle. "Excuse me? I should win this match!"

Napatigil si Jean-Claude sa akmang pagtayo. Malamig na tiningnan niya ako at ginantihan ko siya ng nag-aapoy na mga tingin. "I will prove to everyone that this dog meat research of Brenda Moran doesn't deserve to win. This dog meat can cause skin irritation gaya ng nangyari sa isang estudyante ng regular class at sa mga matanda sa Foster!"

"Anong pinagsasabi mo?" hindi makapaniwalang wika ni Brenda. "That is not true! My research is purely safe!"

"Prove it!" sigaw ko.

Brenda's face looked pale at napatingin siya sa paligid.

Miss Venna stood up at lumapit sa amin. "Totoo ba ang sinabi ni Sunny?" tanong ni Miss Venna kay Brenda.

"Of course not!"

"Prove it!" wika ko ulit. Ang daming sinasabi eh hindi naman kayang patunayan. I just can't let this happen! I should win. I will win. I will surely win!

"I can prove it!" matatag na sagot ni Brenda. Sumenyas siya sa alalay niya at mayamaya ay bumalik ito na tulak ang isang cart na may stainless cover. Nang binuksan niya ang takip ay tumambad sa amin ang lechon tuta. Puto, tila nais bumaligtad ng sikmura ko. Poor doggo!

"Contrary with Sunny's statement, hindi sanhi ng skin irritation ang karneng ito! Taste it!" wika niya sa akin.

I raised one brow. Of course, hindi iyon gagana sa akin! I'm the remedy. A human antidote. But I won't tell them. Never!

"No! Bakit hindi natin hayaang si Miss Venna ang tumikim?" wika ko at napatingin si Miss Venna sa akin na para bang sinasabing 'are you serious?'

"Okay! Miss Venna, please have a taste," wika ni Brenda. Nag-aalangang nagpalipat-lipat ang tingin nito sa akin at kay Brenda. "Don't worry, I swear its safe." To prove her claim, nauna siyang kumuha ng parte at kinain iyon. Naghintay kami nang ilang minuto at saka lamang kumain si Miss Venna. She was hesitant at first ngunit nang matapos ang kanyang unang subo ay naging sunod-sunod na iyon!

Teka! I was ready to bite my hand and pour them my blood kung sakaling atakihin man sila ng rashes pero puto! Sarap na sarap si Miss Venna sa kinakain!

"This is the best meat I ever tasted!" wika niya at nag-thumbs up pa kay Brenda.

Halos hindi naman ako makapaniwala sa nangyari. Hindi kaya naging successful na ang research ni Brenda? Baka samples lamang iyong una at hindi pa tapos kaya ganoon ang epekto! At ibig sabihin . . .

RUN FOR YOUR LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon