CHAPTER 25: CHANCE

67.2K 3.9K 757
                                    

Chapter 25: CHANCE

TATLONG araw na ang nakalilipas mula nang bumalik ako sa 3rd Ward. Ang tatlong araw na lumipas ay ginamit ko upang tanggalin ang hinanakit sa mga nangyari. It didn't heal that much though but I'm still working on it.

My parents didn't ask kung bakit bumalik ako mula sa academy. Siguro ay ini-expect na nila na hindi ako magtatagal doon dahil nga babae ako. Lumabas ako ng bahay at natagpuan kong abala si Papa sa kanyang ginagawa. May tatlong manok na nasa mesa at may kung ano-ano siyang mga isinusulat sa papel.

"Pa, ano pong ginagawa ninyo?" tanong ko at naupo sa upuang nasa harap niya.

"Sinusubukan kong alamin kung ano ang sakit nitong mga manok," sagot niya.

Bumaba ang tingin ko sa mga manok. They look healthy though. "Eh? Mukha naman po silang malusog ah?"

"Oo pero mahina silang mangitlog kumpara sa ibang manok," sagot ni Papa. He owns a small poultry farm here. Kaya na rin siguro manok ang naisipan ko sa research ko.

Napayuko ako at huminga nang malalim. Sa sulok ng isipan ko ay napakarami kong gustong itanong sa kanya gaya ng 'wala ba silang tiwala sa kakayahan ko?' Bakit ganoon si Jean-Claude sa akin? Ampon ba ako?

"Pa?"

"Hmm?"

Huminga ako nang malalim. "Hindi n'yo po ba itatanong ni Mama kung bakit ako umuwi galing Academy?"

Napansin kong bahagyang natigilan si Papa ngunit agad din namang nakabawi. "Mugto ang mga mata mo nang umuwi ka kaya nagpasya kami ng Mama mo na 'wag na munang mag-usisa."

Napangiti ako. I'm such a bad daughter for thinking na wala silang pakiaalam at inaasahan na nila akong hindi magtatagal doon. Iyon pala ay naging considerate lang naman sila sa akin.

"Natalo po ako sa face-off," nakayukong wika ko. Remembering it only brings pain to me.

"It's okay, Sunny, hindi rin naman ako nananalo sa face-off noong panahon ko," sagot ni Papa at bahagyang tumawa. Nagulat naman ako sa sagot niya. Nag-aaral siya dati sa Academy?

"Sa Academy? You're an alumnus?" Hindi makapaniwalang wika ko.

Naupo si Papa. "The same school but different name and system. Sampung taon pa lamang ang nakalilipas mula nang tinawag nila iyang 1st Ward Academy na ang layon ay maghanap ng mga estudyanteng magiging bahagi ng Project: RUM. Ang pangalan pa niyon dati ay CLC o Capital Learning Campus."

Bahagya akong natigilan. I know my parents are smart pero hindi ko inaakalang nag-aaral din sila sa academy—only that it has a different name back then. Hindi naman sila palakwento sa mga pinagdaanan nila. Kahit nga kung paano sila nagkakilala ni Mama ay hindi ko alam.

"That's where I met your mom," dagdag ni Papa. Tumingin siya sa malayo at ngumiti. My parents love each other although they didn't display it publicly. My 54 years old parents are good examples of couple who kept their vow of for richer or for poorer, in sickness and in health—not really sure with the till death do us part though.

RUN FOR YOUR LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon