CHAPTER 46: PREFECT OF DISCIPLINE

68.3K 3.4K 653
                                    

Chapter 46: PREFECT OF DISCIPLINE

MAHIGPIT ang pagkakahawak ni Triangle sa braso ko. Hindi ko alam kung bakit nagagalit siya nang ganito.

"What the hell are you thinking, Pancake?" galit na wika niya. Mas dumiin pa ang hawak niya sa braso ko nang mas lalo pa akong umiyak.

Everything was a mess. Coco's damned and I'm also damned. Pero aware ako na ako ang puno't dulo ng kaguluhang ito. I was the one to blame at all. And if it costs death, tatanggapin ko iyon. Ako lamang dahil ako naman ang nagsimula ng lahat ng ito.

"Let go of my hand, Triangle," I said in between my sobs.

Ngunit sadyang matigas ang ulo ni Tatsulok. He pulled me towards him and hugged me tightly. Pucha, mas lalo tuloy akong naiyak.

"N-Natatakot ako, Triangle," pag-amin ko. Sa tingin ko ay ito na yata ang panahon na hindi ko kayang magkunwaring malakas at matapang.

"You got me, Pancake, don't worry."

Kahit ang boses ni Tatsulok ay walang kasiguraduhan. Gumanti na lamang ako ng yakap sa kanya at nagpatuloy sa pag-iyak. I heard the door opened at pumasok doon si Coco kasama ang anim.

"Sunny . . ."

Bumitiw ako kay Triangle at hinarap si Coco. Kinuha ko mula sa bulsa ang isang flash drive at iniabot iyon sa kanya.

"P-Patawarin n'yo ako. Nagpakain ako sa galit ko kaya hindi ako nakapag-isip nang matino. That's the research that I sent to my email and I deleted in your laptop. Patawarin n'yo sana ako, I know it's unforgivable—"

Hindi ko natapos ang sasabihin dahil bigla akong niyakap ni Coco. "Inaamin ko naman na may kasalanan ako, Sunny—"

"No," pigil hikbi ko. "I will take all the blame dahil kasalanan ko naman ang lahat."

Sasagot pa sana si Coco ngunit nilapitan na kami ng mga men in black. Lumalabas talaga 'tong mga men in black tuwing face-off at ranking season.

"Kailangan n'yong sumama sa amin," wika ng lider ng men in black.

Coco and I stepped forward at gayundin sina Gon at Tatsulok ngunit pinigilan sila ng mga men in black.

"Pasensya na pero si Miss Gallego lamang ang nais ng PoD na sumama sa amin."

Gon and Triangle stiffened. Nang makabawi sila ay nangangalit ang bagang na hinila ni Tatsulok sa kwelyo ang nagsalita.

"And why is that?" he asked in a voice with enough rage.

"Iyon ang utos sa amin," sagot nito na hindi man lamang nasindak kay Tatsulok. Binitiwan lamang siya ni Triangle nang tinapik siya ni Gon.

"Let go, Triangle, hintayin na lang natin si Kitten sa labas ng opisina," sabi ni Gon.

RUN FOR YOUR LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon