CHAPTER 37: SEIZED

78.2K 3.8K 2.9K
                                    

Chapter 37: SEIZED

ILANG beses kong minasahe ang leeg ko. Nag-aadjust pa ang utak ko habang nakikinig sa lecture dahil sadyang mahirap ipasok sa utak ang lahat ng iyon. Well, it can fit my brain but not at one blow. Tiningnan ko ang mga nasa upuang malapit sa akin.

Tulala pa rin si Iris at si Margo naman ay nakanganga habang pilit na iniintindi ang nasa kanyang monitor. Gaya nang madalas na ginagawa ng couple, ayun, naglalandian na naman sina Jeff at Suri. Drix seems focused at si Coco naman ay nasa harap ang 100% attention.

Sunod kong tiningnan ang bakanteng upuan na nasa tabi ko. Hindi pa rin pumapasok si Gon at balita ko ay nasa kwarto pa rin siya ni Trench. Pwede naman siyang lumipat ng dorm pero hindi niya ginawa. He still wanted to stay at District 9 Dormitory.

Nang mag-break time ay isinara ko ang laptop at tumayo. Medyo late akong nagising dahil matagal akong natulog habang iniisip kung paano ko mahahanap si Brenda. Bitbit ang bag ay tumayo ako at agad na nagtungo sa canteen. Thankfully, I can sit anywhere I want or kick any student dahil nga kasali ako sa Royals pero hindi ko ginawa. I just got food and looked for a vacant table. Namataan ko ang isang mesa na nag-iisang tao lamang ang naupo. I hope the guy wouldn't mind.

"Hi, pwede bang makiupo―Pentagon?!"

The guy happens to be Pentagon at nagulat siya nang makita ako. Hindi pa man siya nakakasagot ay umupo na ako sa tabi niya.

"Bakit dito ka kumakain?"

He bit his lip at hindi agad nakasagot. Napakunot naman ang noo ko nang may napagtanto. I leaned closer to him at inamoy siya at puto!

"You're not Pentagon!"

"Who said I'm Gon?"

Agad akong tumayo at kinuha ang tray ko. Pusangina, si Tatsulok pala at gosh, what happened to his spiky hair? Bagong gupit at nakababa iyon. Gone were his studs and other silver piercings. No more open buttoned polo that display his F*CK U shirt. Well, nakabukas pa rin ang butones ng polo niya pero puting T-shirt ang nasa ilalim niyon. Malamlam ang mga mata niya at tila pagod.

I heard him sigh at inialis niya ang tingin sa akin at ibinaba iyon sa kanyang pagkain. "It doesn't hurt to eat with me."

Tumingin ako sa paligid at naghanap ng bakanteng mesa o di kaya ay magpaalis na lamang ng mga nakaupo pero may point naman ang three-sided na polygon na ito. It doesn't hurt to eat with him. Naglakad ako papunta sa harap niya at inilapag ang pagkain bago naupo sa tapat.

He smiled awkwardly at me, not his usual pirate smile. "Enjoy your meal."

Pinagpatuloy niya ang pagkain at napatingin lang ako sa kanya. He looks so different . . . Puto, don't tell me he seriously took my words?! I should be happy right now because someone is having a crush on me like uh, it's the first time, pero bakit mukhang hindi yata ako natutuwa?

I feel burdened. I feel that I might be hurting him if I cannot reciprocate what he feels for me. Kasi naman, kahit anong gawin ng tao, kahit pa tumumbling pa sila sabay split o tumawid sa tulay na gawa sa isang pansit, hindi natin sila magugustuhan kung ayaw talaga natin.

"Hindi ka mabubusog kung mananatili kang nakatingin sa akin," wika niya nang hindi man lamang ako tinitingnan. Panay ang subo niya na para bang gutom na gutom siya. May dark circles sa paligid ng mga mata niya na tila ba puyat siya. Gayunpaman, I must admit, he is handsome.

"Anong paandar na naman ba ito, Tatsulok?" tanong ko sa kanya.

"I'm eating."

"What is this all about?" tanong ko.

RUN FOR YOUR LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon