CHAPTER 35: LIKE THEY MATTER

72.5K 3.4K 474
                                    

Chapter 35: LIKE THEY MATTER

MAHIGPIT na hinawakan ni Iris ang panyo na may burda. Malawak ang ngiti niya at tila sabik na sabik siya.

"I can't wait to see grandma!" bulalas niya.

"Grabe ka, linggo-linggo mo naman siyang nakikita, ah," wika ni Coco.

"Coco, kung mahal mo ang isang tao, kahit isang segundo mo lang siyang hindi nakita, masasabik ka pa ring makita siya," paliwanag ni Drix.

Napangiwi lamang ang kalbo. "Uh, why do you sound like you're referring to your lover?"

Tumawa si Jeff at niyakap si Suri. "Yup, tama si Drix. Isang segundo ko lang na hindi makita ang mahal ko, nanghihina na ako." He planted a sweet kiss on Suri's nose. Yuck, buti hindi ako nasusuka sa pinagsasabi ni Jeff. Si Suri lang yata ang kinilig and uh, Coco too. The others hid their faces on their palm at lumayo naman si Drix nang bahagya habang sinasabi na hindi niya kilala ang dalawa. Meh! Maglandian ba naman sa tren?!

"Teka, okay lang ba na hindi tayo pumasok ngayon?" tanong ko para maiba ang usapan.

It's a weekday at may pasok kami ngayon pero nagkasundo sila na pumunta ng Foster. Nagpasya na lamang akong sumama para kahit papaano ay may magawa naman ako or at least, I can observe what's going on. Kahapon nang sinabi ko kay Trench ang mga nalaman ko, he looked like he will really do something about it. Kahit hindi na para sa kapakanan ko o ng 3rd Ward. For sure, he will only do it for Gon's sake.

"Syempre hindi," sagot ni Margo. "Pero hindi naman ito ang unang beses na may nag-absent sa klase, hindi ba?"

Uh, sabagay. Most students choose to rest than to listen in our classes. I don't know if this matter has corresponding sanctions pero sa ngayon ay wala pa naman akong naririnig na may ganoon.

"Bakit ba bigla mo na lamang naisipan na bisitahin ang lola mo Iris?" tanong ni Suri.

"Wala lang, gusto ko lang," sagot nito. "Isa pa, napanaginipan ko siya kagabi. Umiiyak daw siya at gusto akong makita."

"Ako 'yong napanaginipan ko kagabi, nagpapasuklay raw ako," Coco said.

"Baka nagpapakiliti ng ulo! As if naman may masusuklay sa 'yo," wika ko at natawa silang lahat.

"Ano ba, ako kaya si Krillin! Hintayin n'yo lang, mahahanap ko rin ang Android 18 ko," sagot ni Coco, referring to a manga series that existed long ago. "At konting panahon na lamang, makikilala n'yo na ang love of my life ko."

"Eh? Meron kang gano'n?" tukso ni Jeff.

"Yup," he replied and smiled. "Makikilala n'yo rin si AndE sa tamang panahon."

"Nandito na tayo!" bulalas ni Iris at masiglang bumaba ng tren. Patalon-talon pa siya dahil sa matinding excitement.

Gaya ng nakagawian ay iniwan namin ang mga gamit namin sa entrance at nagtungo sa ward ng mga matatanda. I excused myself from them at sinabing mag-iikot lang ako. Panay ang habilin nila na huwag akong gumawa ng kahit ano. Meh, troublemaker ba talaga ang tingin nila sa akin?

RUN FOR YOUR LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon