CHAPTER 21: BIRTHDAY BLAST

75.1K 4.8K 1.7K
                                    

Chapter 21: BIRTHDAY BLAST

PANAY ang singhot ko habang yakap-yakap ang mga tuhod at nakaupo sa sulok ng silid. Magulo ang buhok at damit ko at maging ang kama ay napakagulo. Gon frowned on the side and I glared at him nang binato niya ako ng unan.

"Huwag ka ngang OA diyan, kitten, mukha kang ginahasa, eh, kinunan ka lang naman ng ilang ml ng dugo."

Mas niyakap ko pa ang sarili at hinigpitan ang pagkakahawak sa damit. "You traitor! Hinawakan mo pa talaga ako para hindi makapanlaban! Kay Trench pa rin talaga ang loyalty mo!"

Pentagon laughed hard. "Are you jealous, Kitten?"

"Jealous mo mukha mo!"

Hello, I felt worse than being molested! Higit pa sa pagmomolestiya ang ginawa nila sa akin! Gon pinned me on the bed with my hand above my head. Inupuan niya ang kamay ko habang ang kanyang palad ay nakatakip sa bibig ko. On the other hand, Trench was on top of me, trying his best to stab me with a freaking syringe. Pusangina nila! Saksak ko yung syringe sa pwet nila, eh!

"Kitten, I guess Trench's intention was pure. Gusto lang niyang malaman kung ano nga ba ang meron sa dugo mo, who knows it can really save millions of citizens," pag-aalo ni Pentagon sa akin.

"I feel so harassed," nagsimula ulit akong humagulhol.

Lumapit si Gon sa mesa kung nasaan ang mga papel ko. "Let's see what preparations you made for the face-off." Kinuha niya ang papel at lapis at bumalik sa kama. He motioned his hands kaya tumayo ako at lumapit sa kanya. Tiningnan niya ang mga sinulat ko roon at bigla siyang napabunghalit ng tawa.

"What?" I mouthed.

"Baboy na nangingitlog? Seryoso ka ba?" natatawang wika niya. Tinangka kong bawiin ang notebook sa kanya ngunit agad niya iyong inilayo.

"'Wag mo na nga lang akong tulungan! Masisira lang ang araw ko sa 'yo."

He started laughing like I said the funniest thing in the world. At bago ko pa man mahampas sa mukha niya ang ano mang bagay na makita ko ay tumigil na siya sa kakatawa.

"Okay, Kitten, I'll be serious this time," wika niya.

"Stop calling me kitten."

He frowned. "Why? You don't like my endearment to you?"

Naniningkit ang mga matang tiningnan ko siya. "May gusto ka ba sa akin?"

"What?!"

"You're calling me, Kitten. May gusto ka sa akin." It was a statement now than a question.

Napanganga si Gon at bahagyang inilayo ang sarili sa akin. "Huh, wala ka talagang hiya sa katawan, no? Maganda ka ba? Maganda ka? Maganda ka?" Paulit-ulit niyang pinindot ang noo ko at naiinis na tinabig ko naman ang kamay niya.

"Oo na, nagbibiro lang naman ako."

"Nakakadiri ang biro mo, ha! Wala akong gusto sa 'yo, Kitten, okay? But I guess I know someone who does." Nakakalokong ngumisi siya at pinagalaw pa ang kanyang mga kilay.

"Oh? Sino?"

Tumayo siya sa harapan ko at gumawa ng gesture na gaya ng sa charades.

"3 syllables?" I asked when he acted the first gesture.

He nodded and smiled before making a gesture that translates to English.

"English?"

Tumango ulit siya bago gumuhit ng tatsulok sa ere. Sa inis ko ay pinulot ko ang tsinelas ko at binato sa kanya.

RUN FOR YOUR LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon