EPILOGUE

92.8K 4.3K 1.1K
                                    

EPILOGUE

Wasak ang halos kalahating bahagi ng 1st Ward dahil sa mga nagdaang nangyari. Ilang gusali ang nasira at sinunog na hanggang ngayon ay umuusok pa rin. Halos puno rin ang mga ospital sa dami ng mga pasyente. Karamihan sa kanila ay mga sundalo at ang iba ay mga taong nag-alsa laban sa gobyerno ng Capital.

Mula sa malaking screen na nasa harap ng research lab ay makikita sa flash news ang tungkol sa abdication ni Elpidio Moran—ang kasalukuyang Czar na nagtatago sa pangalan ng mga Grande. Laman din ng balita ang pagkamatay ng kambal na sina Marie at Curie Grande.

Iba ang ambiance sa loob ng research laboratory. Ang lugar ay puno pa rin ng mga taong nakasuot ng laboratory gown at halos mga lalaki ay abala sa kani-kanilang ginagawa.

Tumunog ang speakers na nasa mga sulok. "Researchers, please proceed to the conference room," paulit-ulit na anunsyong naririnig mula roon.

Everyone moved from their respective areas at hinubad ang gloves. Pumunta sila sa malawak na conference room kung saan madalas silang pinapatawag.

Nakatayo sa harapan nila ang lalaking nakasuot ng salamin. He was the same guy who stood in front almost a year now to announce the commencement of P: RUM ngunit hindi na masyadong kulubot ang kanyang mukha ngayon kaysa noong araw na iyon. He looked like he had enough rest and sleep.

"Good morning, researchers," bati niya at inilibot ang paningin sa bawat isa. "Kaya ko kayo pinatawag ay dahil meron akong nais sabihin."

Murmurs and other whispers filled the room. Agad iyong natigil nang tinapik ng lalaki ang mesa at nakuha niya ang atensyon ng lahat.

"Almost a year ago, I stood here in front and said those exact words at ganito rin ang reaksyon niyo," wika niya. "I will be straight to my point. Following the abdication of Elpidio Moran, I hereby conclude Project: Research for Ultimate Meat, a failure. As a result, I have to make decisions. By the power vested on me as the head of this research, I am terminating this project."

[END OF RUN FOR YOUR LIFE]

Read the second book:

RUN AS FAST AS YOU CAN

RUN FOR YOUR LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon