Chapter 3

5K 92 1
                                    


THIS CHAPTER IS DEDICATED FOR YOU.

**********

Astrid's  POV

Bakit ba ang tagal nung dalawa na yun bumili? Natabunan na ba sila ng ice cream? Tapos na magluto si Azaria pero wala pa rin silang tatlo. Sila na lang ang hinihintay.

Maya-maya pa ay may narinig kaming sigaw galing sa labas kaya agad naman akong napatakbo papunta dun.

Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin yung tatlo na tumatakbo. Bakit kaya?

Dire-diretso lang sila sa pagtakbo hanggang sa makapasok sila ng bahay at ako na ang nagsarado ng pinto.

"Bakit ba kayo tumatakbo ha?" Galit kong tanong sa kanila. Wag na kayong magtanong kung bakit lagi na lang mainit ang ulo ko dahil hindi ko din alam. Hindi naman ako dinatnan ngayon.

"Eh kasi naman, nakakatakot sa labas. Bigla na lang namatay ung ilaw sa poste", pagpapaliwanag ni Lisa.

Alam nyo ba kung sino mas matanda sa amin? Si Hadley lang naman pero ako na lang lagi ang napagkakamalan dahil kung makapagsalita daw ako ay parang ako daw ang mas matanda sa kanilang anim.

"Akala ko naman kung ano na", si Ash ang nagsalita sabay balik na sa upuan nya kasama si Hadley.

Sumunod na din dun si Azaria at Eli. Susunod na rin sana ako pero bago yun ay napadako ang tingin ko sa nakasuot na kamay ni Lisa sa bulsa ni Zaylee.

Anong meron dun?

Nauna na silang naglakad sa akin. Kaya naman nasa likod nila ako. Nakasunod lang ako sa kanilang dalawa.

May binulong si Zaylee kay Lisa na hindi ko alam kung ano at matapos ni Zaylee ibulong kung ano man yun ay tinanggal na nilang dalawa ang kamay nila na nakasuot sa bulsa. Tss! Magkaholding hands na naman pala yung dalawa.

Err— ang pangit pakinggan nung sinabi kong magka holding hands.

Tinanggal na nila ang pagkakahawak ng kamay nila sa isa't-isa. Sabay tanggal ni Zaylee ng jacket nya at ipinatong sa may sofa. Huhulaan ko, hahanapin nya yan bukas.


**********

Habang kumakain kami ay napapatingin ako kina Zaylee at Lisa na nasa tabi ko lang. Bakit ganun? Ang sweet nila. Sana all.

Paano ba naman kasi, si Lisa ang nagtatanggal nung mga galamay at balat nung hipon sabay ibibigay kay Zaylee.

Si Zaylee naman ay tuwang-tuwa habang kumakain. Alam niyo kasi, mahilig yan si Zaylee sa hipon o kaya sa kahit ano mang sea foods.

Kumuha si Zaylee ng tahong at binuksan ito tapos kumuha sya ng kutsara at sinandok yung laman ng nito. Inilapit niya ang kutsara sa bibig ni Lisa.

"Tikman mo tong tahong lisa. Promise sobrang sarap", ngumanga na si Lisa kaya naman isinubo na ni Zaylee ang laman ng tahong sa kaniya.

"Masarap?", ngumiti lang si Lisa sa kanya habang kumakain na.

Parang ako lang ata ang napapatingin sa kanilang dalawa. Kasi yung iba ay tahimik lang na kumakain at yung iba naman parang nakikinig din dito sa dalawa pero hindi sila nakatingin.

Haysst! Siguro kung magiging lalake tong si Zaylee, sure na sure akong magiging sila ni Lisa at magiging sobrang sweet nila sa isa't-isa. Parang magjowa eh. Kung di ko lang talaga sila kaibigan baka napagkamalan ko na silang magjowa.


**********

Nang matapos akong kumain ay pumunta akong kusina para tingnan kung sino ang maghuhugas ng pinggan ngayon.

She's Only Mine [BOOK 1 COMPLETED]Where stories live. Discover now