Chapter 41

1.7K 50 4
                                    


THIS CHAPTER IS DEDICATED FOR YOU.

**********

"Ang sweet ah", saad ni eli habang nakaturo sa tupperware na nakapatong sa desk ko.

Nilingon ko ulit si Justine at sana hindi ko na lang ginawa yon.

Parang bigla akong nainis. Bakit ako naiinis?

May kausap lang naman syang babae ah. Masaya lang silang nag-uusap. Bakit ako maiinis?

"Selos ka?", napatingin ako sa nagsalita.

Si Eli pala.

"Ako? Magseselos? Asa!", singhal ko na ikinatawa nya.

"Deny pa, sige lang ideny mo pa Zaylee" pang-aasar nya pa.

"Eh bakit? Totoo naman ah. Hindi ako nagseselos", sabi ko pa.

"Asus ewan ko sayo"

Tiningnan ko ulit sina Justine, masaya pa rin silang nagkukulitan.

Takte! Bakit ba kasi close 'to sa mga babae eh! Hindi ako nagseselos, okay? Hindi. Hindi. Hindi.

"Ako na lang kasi", nilingon ko ulit yung nagsalita at nakitang si Ihvan yun.

"Kung kaya ko lang diktahan 'to Ihvan. Kung kaya ko lang", turo ko sa puso ko.

"Ako naman kasi yung nauna pero sya pa din yung pinili niyan", malungkot nyang saad. Hinawakan ko sya sa balikat nya at pinaharap yung mukha nya saken.

"Bakit ako?", naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Huh?"

"Bakit ako yung nagustuhan mo? Bakit hindi na lang yung iba? Madami namang iba jan ah"

"Kasi maganda ka, matalino, mapagmahal, makulit, cute, talented. Ewan ko ba, basta nagising na lang ako isang araw na ikaw na yung tinitibok nito", turo nya pa sa puso nya.

"So kung hindi ako maganda, kung hindi ako matalino, kung hindi ako mapagmahal, kung hindi ako makulit, kung hindi ako cute, kung hindi ako talented, hindi ka magkakagusto sakin?"

"Hindi naman sa ganun—"

"Eh sa yun yung sabi mo eh. Yun yung dahilan kung bakit ako yung laman nyan", turo ko sa puso nya.

"Zaylee look, minahal at nagustuhan kita kasi ikaw yan. Ikaw si Zaylee Jennie Cadwell. Ikaw yung kaisa-isang babae na nagustuhan at minahal ko", saad nya habang nakatingin sa mga mata ko.

Nginitian ko sya.

"Salamat sa pagmamahal na ibinibigay mo sakin", sabi ko.

Tumingin ako sa gawi ni Justine, kausap nya pa rin yung babae.

Napailing-iling ako.

"Nagseselos ka?", tanong ni Ihvan.

"Ewan ko, paano ba malalaman kung nagseselos na ako?", hinarap ko sya.

"Kapag naiinis ka. Kapag gusto mong saktan yung kinaseselosan mo. Kapag parang may tumutusok jan sa puso mo. Kapag naiisip mo na 'sana ako na lang yun. Sana ako na lang yung nagpapasaya sa kanya. Sana ako na lang yung kasama nya sa kalokohan. Sana ako na lang", paliwanag nya.

"So ganun ka magselos kapag sya yung kasama ko?", diretso kong tanong.

"O-oo", sabi nya habang nakahawak sya sa batok nya.

"Masakit palang masaktan", sabi ko out of nowhere.

"Mas masakit kung yung taong nanakit sayo ay manhid"

"Sinasabi mo bang manhid ako?", natatawa kong tanong sa kanya.

"Ikaw ang nag-iisip nyan ah", sabi nya na parang dinidipensahan ang sarili.

She's Only Mine [BOOK 1 COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora