Chapter 9

2.7K 55 1
                                    


THIS CHAPTER IS DEDICATED FOR YOU.

**********

Zaylee's  POV

Nang matapos na kakatanong yung MC at ang mga studyante ay bumalik na kami sa backstage.

"Are you okay?", tanong ko kay Lisa dahil napapansin kong kanina pa sya tahimik.

"I'm fine", nakangiti nyang sagot.

Halata sa mga ngiti nya na pilit yun. Hindi ko alam pero may kutob ako na hindi sya okay eh.

Pinabayaan ko na lang sya, hindi naman yung walang pansinan dahil bawat oras ay tinitingnan ko kung okay sya.

"Let's take a picture guys! Minsan lang to", aya sa amin ni Ash. Nakahanay kami sa upuan at siya yung nasa may pinaka-unahan.

"1.. 2.. 3.. smile!"

Ngumiti ako pagkapindot niya nung botton sa screen. Hanggang sa nagpicture na kami ng nagpicture.

"Tara na sa van. Pagod na ako eh", aya ni Eli sa amin kaya tumayo na kami sa pagkakaupo at lumabas na.

Katabi ko lang si Lisa maglakad at paminsan-minsan ay sinusulyapan ko siya.

Pagdating namin sa parking lot ay wala na yung mga bodyguards, may nakita din kami sa di kalayuan na mga studyante.

Nakatungo kaming naglakad pabalik sa van para hindi kami mapansin nung mga studyante.

"Guys look!", pati kami ay napalingon dun sa babae na nakaturo sa amin.

Bakit ba kasi kailangan na kapag nakikita kami ay pinagkakaguluhan? Hindi naman kami artista.

Tumakbo sila papalapit saamin habang kami ay dire-diretsong naglakad lang papunta sa van.

Nang bubuksan na ni Hadley yung van ay bigla kaming naabutan nung mga studyante. Kung hindi kami nagkakamali ay ka-batch namin sila.

"Can we take a picture?", pangungulit nung babae saamin.

Pumwesto naman kami para tumigil na at nagpicture, pero hindi pa pala natatapos.

"Lisa can we take a picture? Please", sabi naman nung isang babae.

"S-sure", nakangiti pa rin sya habang sinasabi yun. Bago pa sila makapagpa picture kay Lisa ay pinigilan ko sila.

"Sorry miss, pero masama kasi ang pakiramdam ni Lisa. Kaya kung pwede? Next time na lang", mahinahon kong paliwanag dun sa babae.

Hindi siya nagpapigil kaya tiningnan ko yung anim na nakatingin saamin.

"Masama pakiramdam ni Lisa. I think she's sick", sabi ko sa kanila. Buti naman naintindihan ang gusto kong iparating.

Hinarangan nila yung babae na gustong magpapicture kay Lisa kaya naman kinuha ko na yung pagkakataon para hilahin na si Lisa papasok sa van. Kaso bago pa kami makapasok sa loob ng van ay natumba si Lisa.

Binuhat ko sya papasok sa loob ng van at pagkababa ko sa kanya ay tinawag ko na yung lima para sumakay na din. She's sick, ang init niya!

"Wait zaylee! Papicture muna kami sayo!", narinig ko pang pakiusap nung ibang studyante. Bago ko isarado ang pinto ng van ay hinarap ko muna sila.

"There's always a next time, so please?", may pakiusap at sarkastikong tono na sabi ko sa kanila, sabay sarado na ng pinto ng van.

"Manong daan po muna tayo sa mercury drug tapos diretso na po sa bahay", magalang kong sabi kay manong.

**********

Pagkadating namin sa bahay ay tinulungan ako ni Hadley na buhatin si Lisa papunta sa kwarto nya.

She's Only Mine [BOOK 1 COMPLETED]Where stories live. Discover now