Chapter 15

2.2K 55 1
                                    


THIS CHAPTER IS DEDICATED FOR YOU.

**********

Zaylee's  POV

Dire-diretso akong naglakad papuntang CR para maghilamos ng mukha. Wala sa plano kong sabihin agad yun sa kanila dahil mas gugustuhin ko na lang na magmukmok mag-isa.

Pagkalabas ko sa CR ay dumiretso na ako sa lamesa sa terrace kung saan nakahanda ang pagkain.

"Saan ka nanggaling Zaylee?", takang tanong saakin ni Eli. Malamang tatanungin ako niyan, wala siya kanina dun eh.

"Jan lang sa tabi-tabi kung saan walang tao", biro ko sa kanya kaya napa-tss na lang sya. Hindi na muna ako sumandok ng pagkain dahil wala pa sina Hadley.

"Oh Hadley! Saan naman kayo pumunta? Bakit ang tagal nyo?", si Eli pa rin ang nagtanong.

"Sa tabi-tabi kung saan may lupa", biro din ni Hadley sa kanya kaya hindi na lang nya ito pinansin.

"Ang bagal nyo naman maglakad, kanina pa kaya ako gutom", biro ko sa kanila sabay ngiti.

Ayaw kong makita nila akong malungkot at may dinadalang problema.

"Kumain na nga tayo at baka kung ano-ano pang masabi nyo jan. Alam ko namang sabik na sabik na kayong matikman ang luto ko eh", pagbibiro pa ni Hadley para pagaanin ang vibes.

**********

Pagkatapos naming kumain ay nagvolunteer na si Lisa na siya na lang daw ang maghuhugas ng pinggan.

Habang nagliligpit sila ng mga pinagkainan namin ay pumasok ako sa kwarto.

Naghanap ako sa cabinet ng kahit na anong pwedeng higaan, basta malaki at komportable.

May nakita akong isang banig na malaki na gawa sa cotton kaya kinuha ko yun. May nakita din akong isa pang malaking banig na gawa sa abaca, kinuha ko din yun bago lumabas sa kwarto.

Busy sila sa pagliligpit ng pinagkainan namin kaya hindi ko na lang sila pinansin. Pagkalabas ko ng terrace ay tsaka ko inilapag dun yung dalawang banig na dala ko.

Inilatag ko yun sa mismong harap ng terrace at pinagpatong. Nang matapos ay bumalik ulit ako sa kwarto para kumuha ng isang unan at isang kumot.

Pagkabalik ko sa labas ay humiga na ako habang nakakumot. Pinagmasdan ko ang mga stars, ngayon ko lang na-realize na ang daming stars ang nagkikislapan ngayong gabi.

Nawala dun ang atensyon ko nang bigla akong tawagin ni Azaria.

"Hoy Zaylee! Anong ginagawa mo jan?"

"Nakahiga malamang", pamimilosopo ko pa sa kanya.

"Hindi yun ang ibig kong sabihin. Aishh! Bakit ka ba kasi nanjan?", inis nyang tanong kaya mas lalo akong napangiti.

"Para makapag relax— I guess", pang-aasar ko pa sa kanya kaya mas lalo siyang nainis.

"Relax? Pwede kang magrelax sa loob ng kwarto nyo Zaylee! Hindi yung jan ka pa magrerelax, ang hamog na kaya! Gusto mo bang magkasakit? Ha!?", walang hinto nyang sermon saakin. Dinaig niya pa ang mga rapper.

Tama. Baka sakaling kapag nagkasakit ako ay magkakaroon na siya ng pake sa akin katulad noon.

"Mas nakakapagrelax ako kapag nasa labas at nakakalanghap ng fresh air. Don't worry kasi may kumot naman ako dito, pwede ko tong itaklob sa ulo ko para hindi ako mahamugan", pang-aasar ko pa lalo na naging dahilan para magwalk-out siya sa inis.

Pansinin mo na ako Lisa! Ang lamig dito sa labas! Hahahahaha

"Hoy kayong tatlo!", narinig ko pang sigaw ni Azaria.

She's Only Mine [BOOK 1 COMPLETED]Where stories live. Discover now