Chapter 19

2.1K 54 1
                                    


THIS CHAPTER IS DEDICATED FOR YOU.

**********

Eli's POV

Sa tuwing nakikita ko talagang sweet yang dalawa na yan napapangit na lang ako bigla. It means they're back na.

"Darling you look perfect tonight~"

Nakatingin at nakangiti sila sa isa't-isa nung kinanta nila yun kaya pati ako ay nadamay sa pag ngiti nila.

"Woaaahhhhh! Ang galing ng ZayLisa at AshLey partners!", sigaw ni Ryker at Nixon na may kasamang palakpak.

Audience lang ang peg ganun? Hahahaha

"Kung lalaki ka lang talaga Zaylee, sigurado kami na kayo ang magkakatuluyan", puna ko kay Zaylee na gulat na napatingin saakin.

"Ako? Lalaki? Nah. I can't imagine myself being a guy. Tss", reklamo nya kaya natawa kami.

"Zaylee, may pasok na daw kayo bukas sabi nung Jam", sabi ni Azaria na hanggang ngayon ay hawak pa din ang phone ni Ash.

"Seryoso?", tanong ni Zaylee kay Azaria, tumango lang sya bilang sagot.

"Ano ba yan! Akala ko pa naman ay sobrang tagal na walang pasok. Tss!", reklamo ulit ni zaylee.

Kung may pasok na sina Zaylee, ibig sabihin ay may pasok na din kami? Ano ba yan din!

"Sayang naman ate Zayl, hindi na tayo nakapag bonding ng matagal", malungkot naman na saad ni Ryker.

"Oo nga eh. Gusto ko pa sanang magtagal dito para makapag bonding tayong lahat pero bawal kaming umabsent eh", inis na sabi ni Zaylee.

"Okay lang yan guys, madami pang araw at magkikita-kita pa ulit tayo, okay?", pagpapatatag ng loob ni Hadley saamin.

Walang sumagot sa kanya.

"Magsitulog na nga tayo para hindi tayo mapagod sa byahe bukas", sabi ulit ni Hadley at napalingon sa kanya si Zaylee.

"Hindi ako pwedeng umalis bukas dahil baka malate ako sa klase ko", halata ang lungkot sa mata nito.

"Eh kailan ka luluwas pabalik?", tanong ni Lisa sa kanya.

"Mamaya na"

"Tatapusin ko na ba tong live?", inosenteng tanong ni Azaria kaya lahat kami ay napalingon sa kanya.

"B-bakit?", ngumiti sya saamin ng pilit sabay kamot sa ulo. Kinuha ni Ash sa kanya yung phone at nagpaalam na sa mga viewers.

"Tulungan ka na namin mag-impake", suggest sa kanya ni Astrid.

Napangiti naman si Zaylee dahil dun.

"Saan ka sasakay pabalik?", tanong ko kay Zaylee habang nag-iimpake kami ng mga gamit nito.

"Sa bus syempre", pilit-ngiting sabi nya.

"Ipapahatid na lang kita dun sa driver namin para iwas disgrasya at para makapag-pahinga ka din ng maayos", sabi ni Hadley.

Pagkatapos naming tulungan si Zaylee ay nagbihis na sya para makaalis na.

"Sure ka bang ayaw mong ipagpabukas ang pagluwas?", tanong pa ni Azaria na parang ayaw pang paalisin si Zaylee. Kahit naman ako, ayaw ko pa siyang pauwiin.

Umiling si Zaylee bilang sagot sabay ngiti saamin.

"Basta Zaylee mag-iingat ka at wag mo kaming kakalimutan", paalala ni Ash sa kanya.

"Kailan ko ba kayo nakalimutan?", nakangiting tanong ni Zaylee saamin.

"Buti naman kung ganon", dagdag pa ni Ash. Sumakay na si Zaylee sa loob ng kotse ni Hadley at pinaandar na yun ng driver.

She's Only Mine [BOOK 1 COMPLETED]Where stories live. Discover now