Chapter 25

1.9K 51 0
                                    


THIS CHAPTER IS DEDICATED FOR YOU.

**********

— K  I  N  A  B  U  K  A  S  A  N —

Zaylee's POV

Kakaalis ko lang sa bahay at nandito na ako sa school. Ewan ko ba kung bakit pero nanghihina talaga ako, wala naman akong sakit.

*kriiing kriiiing*

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tiningnan kung sino ung tumatawag.

Si Lisa. Kahit kailan talaga ay hindi nya ako nakakalimutang tawagan.

"Hello?", nakangiti kong sagot sa kanya. Nagdahan-dahan lang ako sa paglalakad papuntang building ng senior high.

[Anong ginagawa mo?]

"Kausap ka", sagot ko at napa bungisngis naman sya sa kabilang linya.

[Baliw ka. Nasaan ka ngayon?]

"Nandito lang sa earth nagpapahangin hahahaha joke. Nandito na ako sa school, bakit ka napatawag?"

[Ahhh, ingat ka. Wala lang akong magawa sa buhay ko kaya napatawag ako]

"Gusto mong may magawa ka?"

[Oo, may isusuggest ka ba?]

"Ikutin mo yang bahay niyo tapos magpagulong-gulong ka sa hagdan. Pagdating mo sa kusina niyo ay kumuha ka ng masarap na pagkain tapos punta ka sa loob ng sasakyan nyo. Then pumunta ka na dito para ibigay saakin yung pagkaing kinuha mo. Baka ma-appreciate pa kita"

[Hahahaha try mo munang gawin yun bago ko gawin]

"Edi wag na, nagsusuggest lang naman ako ayaw mo pa"

[Hahaha sige na. Pumasok ka na sa room nyo at mag-aral ka ng mabuti]

"Hahahaha sige. Bye na! Ingat ka"

[Bye na din and see you later. Mag-ingat ka palagi dahil baka hindi mo na makita ang magandang ako]

Pagkatapos nyang sabihin yun ay ibinaba na nya ang tawag kaya nakangiti akong ibinalik ang cellphone ko sa bulsa ko.

Nang makadating na ako sa building namin ay tiningnan ko muna ang langit para lumanghap ng sariwang hangin.

Bumuntong-hininga ako para makahinga ako ng maayos. 6th floor pa naman ang room namin at nakakainis yun.

Pumunta na ako kung nasan ang hagdan at nagsimula nang umakyat.

1st floor..

2nd floor...

3rd floor....

Tumigil muna ako sa 3rd floor para habulin ang hininga ko. Nahihirapan na talaga akong huminga, the h*ck!?

Apat na gamit pa naman ang dala ko ngayon. Isang bag na nasa likod ko, isang paperbag na may lamang pamalit mamaya para sa PE subject namin, isang set ng badminton dahil sasali ako sa try out mamaya at isa pang bag na may apat na lamang mga libro.

Hahakbang na sana ako paakyat pa pero nagulat ako dahil biglang may kumuha ng mga hawak kong gamit.

"Uso kasing magpatulong", tiningnan ko siya ng may pagtataka.

"Anong.. ginagawa mo dito?", tanong ko habang hinahabol pa rin ang hininga ko.

"Tinutulungan ka, hindi ba obvious?"

"Akin na nga yan, baka nakaka-istorbo ako", sabi ko. Kukunin ko na sana sa kanya yung tatlong gamit na dala ko, pero iniwas nya yun.

"Tutulungan ba kita ngayon kung nakaka-istorbo ka saakin?", sabi nya pa at hindi na ako nakasagot.

She's Only Mine [BOOK 1 COMPLETED]Where stories live. Discover now