Chapter 36

1.7K 48 4
                                    


THIS CHAPTER IS DEDICATED FOR YOU.

**********

Zaylee's POV

"Zayleeee!", narinig kong tawag saakin nung kung sino man.

Napatigil sa pagtugtog ng gitara si Ihvan sabay tingin sa may pinto nitong music room.

"Palagay na lang nyang gitara dun", turo ko kung saan nakalagay yung gitara kanina.

Dumiretso ako sa pinto at saktong pagka bukas ko nun ay nasa tapat na din pala ng pintuan si Just.

"Zaylee— nandyan ka lang pala, halika na nga", sabay higit ni Lisa saakin paalis sa pwestong yun.

Hindi ko maintindihan yung mga naramdaman ko kanina. Nagulat, kinabahan, natulala, at— ewan!

Hindi ko na alam kung anong nangyayari saakin, hindi ko na alam.

Pagkadating namin sa dance practice room ay nagpapractice na sila dun ng sayaw at kami na lang pala ang hinihintay.

"Saan ka galing Zayl?", bungad ni Eli kaya naman ay napunta na saakin lahat ng atensyon nila.

"Sa music room lang", sabi ko sabay pwesto kung saan ako nakapwesto kanina.

"Tara na, practice na tayo", sabi ko dahil mukhang wala pa silang balak gumalaw.

**********

"Una na kami ah", paalam nila.

Nung makaalis na sila ay nagulat ako dahil bigla akong hinarap nung anim.

Oh oh! Mukhang may Q&A na magaganap ngayon ah.

Kakaba naman.

"Ano meron?", inosente kong tanong sa kanila.

"Anong meron sa inyo?", tanong ni Astrid.

"Ni?"

"Sino pa ba? Edi ni Ihvan"

"Magkaibigan lang kami noh", sabi ko sabay punta sa kusina, naramdaman ko namang sumunod din sila sakin kaya napailing na lang ako.

Wala akong takas mga men! Dead end kumbaga hays.

"May gusto ka ba dun?", diretsong tanong ni Eli kaya ayun napalingon ako bigla.

"E-ewan"

"Kung meron man balitaan mo na lang kami para hindi kami outdated", nakangiting sabi ni Azaria kaya tinanguan ko sila.

May gusto nga ba ako dun sa lalaking yun? Takte!

**********

Maaga akong nagising ngayong araw dahil sa hindi malamang dahilan hays. Agad akong nagpalit ng pang jogging na damit, wala lang trip ko lang hahahaha.

"Saan punta mo?", gulat akong napalingon kay Hadley na kakalabas lang ng kwarto nya.

"Jogging lang po", nakangiti kong saad sabay takbo na pababa, yung tingin kasi ni Hadley may ibig sabihin eh.

*Aw! Aw! Aw!*

Bago ako makalabas ng bahay ay may tumahol saakin, liningon ko ito.

Kinuha ko ang tali ni snoopy (aso namin) at isinuot yun sa kanya. Sa halip na solo flight akong magjojogging hays. Hindi na bale, atleast may kasama akong aso.

Nauna na sakin tumakbo si snoopy habang hawak ko ang tali niya kaya naman ay wala akong nagawa kundi mag-umpisa na tumakbo.

Sinuot ko ang earphone ko at nagpatugtog ng kanta. Ngayon na lang pala ulit ako nag jogging.

She's Only Mine [BOOK 1 COMPLETED]Where stories live. Discover now