Chapter 34

1.8K 48 5
                                    


THIS CHAPTER IS DEDICATED FOR YOU.

**********

Zaylee's POV

'Who are they?'

'I think sila yung dalawa sa pitong transferee na babae'

'Oo nga, baka magkakakilala sila'

Nakatingin na ang lahat ng babae saamin dahil sa pagtawag nila. Tiningnan ko ang isa sa kanila na nakatingin din pala sa akin. Nakangiti sya at parang nahihiya pa.

"Anong meron dito?", tanong ni Ash. Kasama niya yung lima pang girls.

"Hi Hadley!", tawag nung isang lalaking pamilyar sa akin.

Teka— siya ba yung Christopher Baldemore?! Anong ginagawa nyan dito?

"Uyy Eli!", tawag naman nung isang pamilyar din na lalaki. Siya ba yung Ranz Artley Keystone? Bakit nandito din siya?

"Anong trip mo at nandito ka?", tanong ni Eli. Hindi pa rin ata nakaka amin itong si Ranz kay Eli.

"Masama ba? Nabalitaan ko kasi nung isang araw na lumipat ka daw ng school. Hindi mo man lang sinabi saakin hays nakakatampo ka ha", dahil sa sinabi ni Ranz ay madami ang nagbulungan na parang may something daw sa kanila, meron nga hahahaha.

"Tampo mo mukha mo! Tsaka bakit nandito kayong anim? Sinusundan niyo si Zaylee noh?", echos pa ni eli dun sa anim.

Napakamot sa batok niya si Ihvan. Hiya yan? Hahahaha

"Nakakain na ba kayo?", pag-iiba ng topic ni Justine.

"Sa tingin mo?"

"Sabi ko nga hindi pa, tara libre ko na kayo para sabay-sabay na tayong kumain", saad ni Justine.

"Suuuuure!", masiglang saad ni Azaria. Eto talaga basta pagkain.

Bumalik kaming pito sa may table namin kanina at yung walong lalaki naman ang um-order ng pagkain namin.

"Eli", tawag ni Ash.

"Bakit?", tanong ni Eli.

"Sino yung lalaking kausap mo kanina?"

"Sino dun?"

"Yung nagtampo daw sayo"

"Si Ranz, bakit?"

"Kaibigan mo?"

"Oo, bakit? Crush mo?", seryoso si Eli nung tinanong nya yun kaya mas lalo akong nagfocus sa kanya. May gusto din ata 'to kay Ranz eh.

"Hindi ah, alam mo namang hindi ganun ang type ko", napatango-tango si Eli bilang sagot.

"Mabuti naman", narinig kong bulong niya. I can feel something suspicious.

"Here comes the foods!", inihain na nila ang mga tray ng pagkain na dala nila.

Inilagay ni Justine sa harap ko ang tray na dala nya bago tumabi saakin. Inilapag din ni Ihvan ang tray na dala nya bago umupo sa kabilang side ko.

"Woah woah! Wag niyo naman masyadong gitnain si Zaylee, baka maihagis ko sa inyo itong tray", saad ni Lisa sa dalawa kaya napalayo sila sakin hahahahaha

Nang maka upo na silang walo ay agad akong nagtanong sa kanila. Kanina pa ako binabagabag nito eh.

"Magkakakilala ba kayong walo? I mean, kilala niyo bang anim itong dalawa?"

Turo ko kina Ranz at Christopher na nakatingin lang sa mga pagkain nila.

"To tell you all honestly, pinsan ko itong si topher sa side ni dad", paliwanag ni Justine habang naka akbay pa kay Christopher. Tawagin na lang din natin syang Topher para maiksi lang hahahaha

She's Only Mine [BOOK 1 COMPLETED]Where stories live. Discover now