Chapter 17

2.3K 54 2
                                    


THIS CHAPTER IS DEDICATED FOR YOU.

**********

— L A S T  N I G H T —

Zaylee's  POV

"Ewan ko ba kung bakit yan nag kakaganyan, hindi naman pwedeng sya at ako lang ang magkaibigan diba?", sagot ni Lisa habang nakatingin kay Zin. Mas lalong uminit ang ulo ko pero pilit kong pinigilan ito.

"Hindi naman sa ganon, ang ayoko lang naman ay yung nakakalimutan ako", pabulong kong sabi para hindi nila marinig.

"Ano?", agad na tanong ni Ash. Napatingin ako sa kanya, tingin na walang reaksyon.

"Wala, ang sabi ko matulog na tayo—", napatigil ako sa pagsasalita dahil nakita ko si Astrid na nakapikit na at parang matutumba. Agad akong lumapit sa kanya para maalalayan.

"Astrid! Asrtrid hoy!", panggigising ko sa kanya habang tinatapik siya sa pisngi.

"Anong nangyari kay Astrid?", tanong ni Zin pero hindi ko sya pinansin. Hinawakan ko ang leeg at noo nya, dun ko lang nalaman na sobrang init niya.

"Hadley meron ba kayong mga gamot dyan?", lingon ko kay Hadley.

"O-oo nasa kwarto", sabi niya.

"Tulungan niyo akong dalhin si Astrid sa kwarto namin", utos ko sa kanila.

Nagtulong tulong kaming buhatin si Astrid papunta sa kwarto. Nang maihiga si Astrid ay kinuha ko kaagad yung thermometer at inilagay iyon sa kili-kili niya.

"Azaria, kuha ka naman ng maligamgam na tubig, samahan mo na din ng panyo", utos ko dito.

Pagkalingon ko kay Astrid ay saktong tumunog ang thermometer kaya kinuha ko kaagad yun at tiningnan.

39.1 degree lang naman ang temperature nya. Ang taas! Di ko mareach!

**********

"Saan ka matutulog Zaylee?", tanong saakin ni Hadley.

Magkatabi kasi kami ni Astrid sa kama pero ngayong may sakit siya ay hindi ako pwedeng tumabi dahil baka mahawa ako.

"Jan na lang siguro sa lapag", sabi ko.

"Malamig kaya jan, baka mamaya ay magkasakit ka din", paalala saakin ni Hadley pero nginitian ko lang sya.

"Edi sa sofa na lang ako, okay na ako dun", sabi ko sa kanya. Nakita ko naman syang napaisip pa.

"Okay na nga ako dun, wag kang mag-alala", nakangiti kong sabi sa kanya.

"Bahala ka", sabi nya. Lumapit na ako sa may sofa at humiga na.

"Okay ka lang ba talaga jan?", paninigurado ni Hadley. Tinanguan ko siya bilang sagot.

"Kumot at unan ba, ayaw mo?", tanong pa nya.

"Okay na nga ako. Tsaka hindi ko pwedeng kunin yung kumot kay Astrid", sabi ko pa.

Tumango na sya at bumalik na sa higaan nila. Kung itatanong niyo kung nasaan si Ash, nakahiga na siya at tulog na rin.

Pinatay na ni Hadley ang ilaw kaya pumikit na ako. Ilang oras na ang nakakalipas ay hindi pa rin ako makatulog.

Maya-maya pa ay nakinig kong bumukas ang pinto kaya pumikit ako at nagkunwaring tulog.

"Ang lamig naman dito", boses pa lang ay alam ko ng si Lisa yun.

"Grabe, ang taas talaga ng lagnat mo" sabi pa nya na nandun ata kay Astrid.

"Eh asan kaya si Zaylee?", tanong niya sa sarili niya.

Hindi niya talaga ako makikita dahil nasa may sulok yung sofa at dahil madilim na ay halos hindi abot ng sinag ng buwan ang part ko dito.

She's Only Mine [BOOK 1 COMPLETED]Where stories live. Discover now