Chapter 14

2.3K 59 6
                                    


THIS CHAPTER IS DEDICATED FOR YOU.

**********

Hadley's POV

Nang makabalik kami sa bahay ay nagbanlaw muna ako dahil ang lagkit na ng pakiramdam ko. Hinanap ko kaagad si Zaylee ng matapos ako.

Kanina ko pa kasi napapansin na wala siya sa mood at parang napaka daming problema ang tumatakbo sa isip niya.

Papasok na sana ako sa isang kwarto na hindi ko alam kung saamin ba o hindi pero agad akong napatigil dahil may narinig akong nag-uusap sa loob.

Boses pa lang ay alam ko ng si Lisa at Zin yung nag-uusap sa loob.

"Okay ka lang ba talaga?" – Lisa

"O-oo, medyo natakot lang talaga" – Zin

"I see" – Lisa

"May tanong ako, totoo ba yung sinabi ni Zaylee kanina?" – Zin

"Ang alin?" – Lisa

"Totoo bang sanay na kayo sa mga ganun na iksena?" – Zin

"Ayun ba? Oo, bakit mo naman naitanong?" – Lisa

"Wala lang, nacurious lang bigla. Pero alam mo, ang tapang ni Zaylee", parang manghang-mangha na sabi ni Zin.

"Alam ko yan hahahaha. Sa aming lahat, para saakin ay siya ang pinaka matapang slash pinaka makulit saamin", narinig kong sabi ni Lisa

"Makulit yun?" – Zin

"Oo, bakit? Hindi ba halata?"

"Oo, simula kasi kanina hindi ko siya nakitang naging makulit except nga lang kanina sa ilog na ang kulit at mahilig siyang mambara"

"Sinabi mo pa!"

"Mabait din sya", nagkaron ng katahimikan ng sabihin yun ni Zin.

"Paano mo naman nasabi?"

"Kanina kasi habang naghuhugas ka ng pinggan ay pumasok ako dito sa kwarto. Pagpasok ko, nakita ko siyang nakaupo jan mismo sa sofa habang may nakasuot sa kanya na headphone. Nakasandal pa ang ulo niya sa sofa na parang pagod na pagod. Nung makatingin siya saakin ay nag sorry ako kaagad kasi akala ko walang tao dito"

"Anong sabi nya?"

"Nung isasara ko na sana yung pinto bigla niya akong pinigilan tapos ang sabi niya ay siya na lang daw ang lilipat"

"Tapos?"

"Yun lang, bow! Hahahahaha", narinig ko pang nagtawanan sila pero hindi ko na yun pinansin at pumasok na lang sa kabilang kwarto.

Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay nakita ko na agad sina Astrid, Ash, Azaria at Eli.

"Oh Hadley", mahinang tawag saakin ni Astrid kaya nginitian ko sya.

Isinarado ko ang pinto at napatingin kay Zaylee na nakaupo habang nakahiga ang ulo niya sa sandalan ng sofa. May suot din siyang headphone.

"Psst Hadley!", mahinang sigaw saakin ni Ash kaya napalingon ako sa kanya.

"Ano?", tanong ko pero sinenyasan niya lang ako na lumapit sa kanila, sinunod ko naman.

"Wag kang maingay, baka maging dragon yang si Zaylee sa tingin", natatawa-tawa pa niyang sabi saakin kaya kumunot ang noo ko.

"Huh?"

"Basta wag ka na lang maingay"

"Sige. Ano palang ginagawa niyang dalawang yan dito?", tanong ko habang tinuturo sina Azaria at Eli.

She's Only Mine [BOOK 1 COMPLETED]Where stories live. Discover now